Thursday, August 24, 2006

I'm baccckkkk!!!

Ahllloooo dear fans!!! Ipagpatawad nyo at nawala ako ng medyo matagal. Nagbakasyon kasi ako sa Pinas eh. Short time lang, pero memorable naman. Nakita ko ang aking mga kamag-anak at kaibigan, at ako'y masayang-masaya. Yun nga lang, malungkot ako pagbalik dito. Ibalik nyo ako sa Pilipinas!!!

At heto pa, after sooo many years, nakita ko ulet ang aking first crush noong high-school! Ay tita, ang cute pa rin nya!!! Grabe. Nung bumababa ang car window tapos nakikita kong nakangiti sya (habang palabas ako ng bahay), ay naku, mala-gulaman ang aking mga tuhod!!! Buti na lang hindi ako nahimatay sa sobrang excitement! Gusto ko sanang tumili "Eeeeeehhhhhhh!!!"

Para sa inyo, bumili ako ng maraming "classic" VCD's para ma-review ko. Sukob lang kasi ang napanood ko sa movie house eh. Wala talaga kasi akong time. Andami ko kasing fans na kelangan i-meet. Autograph dito, autograph doon (he, he, he...). Siempre, who am I to refuse?
Bukas ko na lang start ang reviews ko ha? May jetlag pa kasi ako at pu-pungas-pungas pa ako. Inaantok nga ako eh. Tsaka ang tyan ko, wow... parang inaararo ng sampung kalabaw. Baka magkalat pa ako dito.

Pero due to insistent public demand, baka may bago akong section na i-add sa blog ko. Oo, hindi na lang puro review ito. Pero saka ko na lang i-reveal. Para surprise di ba?

O, babu muna at mwuahhh (lumilipad na halik)!!!


Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?