Friday, June 16, 2006

HAPPY FATHER'S DAY!

Oh, dear fans, bago ang lahat, wag nyo kalimutan batiin ang tatay nyo ng happy father's day sa linggo ha? Isang beses na nga lang ang occasion, baka kalimutan nyo pa.

Kung kayo's walang pera, heto ang tips ko para mayron kayong gift sa tatay nyo:

1. Habang tumatae o natutulog si tatay eh halungkatin nyo ang aparador nya or cabinet at humanap ng isang article of clothing na mukhang bago pero nakalimutan na nyang mayron sya non at hindi nya sinusuot. Ibalot at i-gift kay tatay. "Dad, a butterfly collar t-shirt for you." (Hindot! 70s pa yun ah?)

2. Habang nanonood or natutulog si tatay, kumupit ng pera sa wallet nya. Ilagay ang pera sa father's day card at ibigay. "tatay, di ba sabi mo perahin ko na lang gift mo."

3. Pumunta sa dollar store or ukay-ukay at ibili ng gift si tatay. "O tay, ha, ibinili kita ng fur coat. Mahal yan."

4. Kung may mga kapatid kang mapera at may gift sila, pag hindi sila nakatingin, ilagay ang name nyo sa gift tag. "'Tay, from all of us. Mostly me." (Yun nga lang, maghanda kayo sa pagtakbo dahil tyak na gugulpihin kayo ng kuya mo."

Anywho, siguro naman may mga maidadagdag pa kayo jang tips. It's the thought that counts!

Happy Tatay's Day!

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?