Thursday, June 15, 2006

Anonymous Fan

Eh di oo nga, nananahimik ako dito sa isang sulok ano... Sanay na kasi ako na walang nagco-comment sa mga posts (kasi alam nyo na, ang mga nagbabasa ng mga posts ko eh pawang mga manyakis na bising-bisi ang dalawa nilang kamay). Tapos today, bigla akong nagulat dahil may nag-post ng comment (Dreamboy):

"Willow,

Kaaliw naman mga rebyu mo. Nagising tuloy natutulog kong kalamnan para panoorin iyong mga recommended mo. Tsaka, honga, mukhang mgha manyakis naliligaw sa site mo kasi bihira ang nag-iiwan ng comments. Halatang nauunsyami ang nagngangalit nilang mga sandata kapag nakikitang hindi naman pala porn site ang blog mo.

Wahehe. . . sige, post ka pa ng mga rebyu. Fan mo na 'ko mula ngayon. Peksman, mawala man ang kopya mo ng Dreamboy. "

Naglulundag ako sa tuwa! Tapos pagkita ko anonymous lang. Ah, anak ng tae, sana man lang nag-iwan sya ng name. Anonymous, sana nag-iwan ka man lang ng pangalan. Maski pangalan ng aso nyo or pusa or maski goldfish. Baka isipin tuloy ng mga readers ng blog na ito na ako ang nag-iwan ng comment na yun.

Anywho, maraming salamat, alam kong dumudulas-dulas pa ang kamay mo habang nagta-tayp ka (he, he, he...). Ano kayang search word ang ginamit mo?

In all seriousness, nagpapasalamat ako sa mga taong katulad ni Ano (tawagin na lang kitang Ano) na nagpapaunlak ng konting minuto para pag-aksayahan ng panahon basahin ang blog na ito. Dahil sa inyo, kaya ako nagkakaroon ng lakas para ipagpatuloy ang pagtataguyod sa pelikulang pinoy. Tsup! Tsup! Tsup!

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?