Thursday, March 09, 2006
MILAN Film/Movie Review
Cast: Piolo Pascual, Claudine Barretto
Ito ang unang-unang movie ni Piolo na napanood na ko. Hayyy, tita, makalag-lag thongs itong kagwapuhan ni Piolo. Napaka-innocent ng tsura nya at parang ang bait-bait. I think my guardian Cupid itong si Piolo dahil mababae or malalake eh talagang ma-iinlab sa kagwapuhan nya.
Milan is a story of a man who is left by her wife to go to Italy. He then sold all his possessions to go to Milan and find his wife. He met Claudine by accident. She helped him find her, but as time passes by, eh nagka-inlaban ang dalawang gwapa na ito and the rest is history.
Gusto ko ang story ng Milan. It's a common but not so common story. Pero the thing that sold me to this movie is Mr. Piolo Pascual. Ang galing nyang umarte! Grabe! He's so natural. Pag lumuha sya, asahan mong luluha ka (with matching uhog). Pag ngumiti, ay tita, mapapangiti ka rin. Sya na yata ang pinakamagaling na Pinoy actor na napanood ko. Ang galing nya, lalong-lalo na dun sa interview scene. Wala ng mas natural pa sa kanya.
Hindi lang yan, ayy, ang seksi ni Piolo. Ang liit ng bewang nya. Ang galing nyang magsuot ng damit. Mapapagkamalan mo syang Italiano eh. O di ba? Magaling syang mag-italian, mukha pang italian.
Hindi lang yan, kudos to him and Claudine for being so fluent in Italian. Believable ang mga italian dialogs nila. Siempre, kahanga-hanga di ba?
Bonus pa ang sights ng Italy. Kung hindi pa kayo nakakapunta ng Italy, at napanood mo ang movie na ito, ay asahan mo. Siguro nakaimpake ka na kinabukasan para pumunta sa Italy.
Ang isang bagay na hindi ko gusto dito sa film na ito eh yung pag nag-uusap si Claudine at mga housemates nya, eh panay ang sigawan. Hindi naman siguro bingi silang lahat di ba? I mean, bakit kelangan pang sumigaw. Kaya habang nanonood kayo nito, itago nyo lahat ng kristal nyo sa bahay dahil baka mabasag. Tsaka kelangan parati mong hawak ang remote control ng tv para macontrol mo agad ang volume pag nagsisigawan na sila.
I give this film 5 Utots. It's a must-see movie. I say, ito ang paborit kong Piolo movie so far.