Monday, January 30, 2006

SO HAPPY TOGETHER Movie Review


"Bakit parating mga bading ang nagsu-suffer?"


So Happy Together stars the box-office queen Kris Aquino and Eric Quizon. It's a story of two best-friends. Mala-Will and Grace kumbaga. Straight si Kris and bading naman si Eric.

Okay naman ang pelikula. Funny ang mga interactions ni Kris at Eric. Lalo na pag medyo nagaasaran sila.

Kris became a very successful business woman, while Eric remained a frustrated writer until he died (Josme! May namatay dito sa pelikula!). Pero maraming pinagdaanan ang friendships nila. Hanggang sa huli, they remained best friends maski nagkalayo sila for most of their lives.

Isa lang naman ang tanong ko tungkol dito sa pelikula, bakit sa pinoy drama, parating ang bading ang nag-su-suffer? Parating silang peneperahan ng mga jowa nila, or niloloko, or nagpapakamatay or namamatay, in short, bakit sila parating sad ending? Bakit sa totoong buhay pa parating malungkot ang buhay ng mga bading? Bakit sa totoong buhay pa parati silang niloloko ng mga jowa nila? Bakit sa totoong buhay ba parating malungkot ang buhay nila? Hindi ah!

Naiinis na kasi ako sa mga stereotypes na ito. Ano ba yan? Ang message ba ng film indsutry sa mga tao eh "To be gay means a life full of suffering." Hellooo? Bakit? Mga tuwid (straight) lang ba ang may karapatang lumigaya? Sila lang ba ang piangpapala ng Diyos?

Sa totoo lang, I've still yet to see a Pinoy film where the survivor at the end is a gay person. Sure, we have taken leaps and bounds dahil we do include gay characters in the movies, pero para ano? Comic Relief? Para may mamamatay sa huli? Para iparating sa mga tao na gayness doesn't exist, na kung gay ka man ngayon eh may pag-asa ka pang maging straight? What the fuck???

Hayyy, ewan ko ba. Pero nonetheless, I give this film 3 Utots. Watchable naman sya. Yun lang!


Monday, January 16, 2006

MINSAN PA Film Review

"Ako ang mahalin mo! Hindi ako bulag!"

In my opinion, this movie is 1.5 hours too long. Opo, 2.5 hours po ang movie na ito, pero after an hour, bumaba na sya ng bundok (it goes downhill from there).

This story takes place in Cebu. Ang ganda pala ng Cebu! Ang character ni Jomari eh tour guide. Broken family sila. Iniwan sila ng tatay nila ng sila ay mga dagang kosta pa lamang. Kaya sya na ang tumayong tatay para sa mga younger siblings nya.

Na-meet nya si Ara in one of his tour stints and na-inlab sya dito. Eh kaso, itong si Ara ay may iba ng mahal, so no-can do.

Nung isang araw ay bumalik si Ara sa Cebu, pero may iba na syang pakay. Gusto nyang hanapin ang camera na nahulog sa dagat noong una nyang pagbisita sa Cebu. Kaya pala, gusto nya itog kunin for sentimental value. Nabulag kasi ang fiance nya at ayaw ng pakasalan si Ara. Gustong patunayan ni Ara na mahal nya talaga itong si Alex (the fiance) para pakasalan sya.

Eh alam nyo ba ang ginawa nitong ungas na si Jom? Pinagpilitan ba naman ang sarili nya kay Ara "Ako ang mahalin mo! Hindi ako bulag!" Kung hindi ka naman saksakan ng tanga at ipipilit mo ang sarili mo sa babaeng alam mong may minamahal ng iba. At after that, the movie reeks of shit.

Madaming story tidbits sa movie na ipinakita ang mga problema pero walang resolution. Sabog-sabog ang subjects. Meron yatang attention defiency syndrome ang nagsulat nito at nag-direct dahil paiba-iba ng subjects.

In the end, hindi sila Jom at Ara ang nagkatuluyan, which doesn't make any fucking sense. Ginawa ang movie na ito nung break na sila di ba? Siguro merong clause sa kanilang contract that they shouldn't end up with each other.

After seeing this movie, I felt cheated. Dapat merong free time machine with every Minsan Pa DVD rented or bought, dahil yun ang gusto kong gawin after seeing this. Gusto kong bumalik 2.5 hours in the past para itulog ko na lang ang mga hours na nasayang ko after watching this film.
Kung hindi lang sa Cebu scenery, hindi ko pagcha-chagaan ang film na ito. It's a complete waste of time. Pero kung mapilit talaga kayo, panoorin nyo at i-stop nyo yung film dun sa scene na hinabol ni Jom si Ara sa hotel. Tapos mag-imagine na lang kayo ng sariling ending.

Dahil sa kapangitan ng movie na ito, meron akong bagong lowest rating, ang 0 Utot. (Tang'ina! Mag-imbento ka ng Time Machine para ibalik ang panahon na sinayang mo sa panonood nito.)


Thursday, January 12, 2006

LA VISA LOCA Movie Review




"Nakakaloka talaga ang pagkuha ng visa"

Naengganyo akong manood nitong film na ito, eh kasi ba naman, si Tita Swawee (cuneta) ang executive producer. Siempre naman, ilalagay ba nya ang name nya sa isang pangit na pelikula?

La Visa Loca, is the story of Jess (Robin Padilla) who dreams of making trabaho in the US so he can make maraming tapwe. He's a tsuper of a tourist service car, which lead him to know Nigel Adams. Isang Amerikanong panot na may show about mga kababalaghan. Meron syang bingi at diabetic na father (Johnny Delgado) ma kanyng inaalagaan.

Narito rin ang kanyang ex-jowa na si Mara (Rufa-Mae "uber-sexy" Quinto) na hindi alam ni Jess na may anak pala sya dito.

Magaling talagang umarte si Idol. Natural na natural. So far, wala pa akong pelikulang napapanood na starring role sya na pangit. Magaling pumili ng roles itong si Idol. At ano pa? Ang lakas ng appeal nya sa camera. I can't help but love this guy.

Nakakatawa itong movie na ito. ONe of the things that I like was the scene where he was making apply to the US embassy, tapos kinikwestyon ang mga info nya.

Gusto ko rin dito yung tumatawag si Daddy Johnny sa isang programa tapos sabi ba naman (hindi ko mataandaan yung eksaktong script ha?) "tahimik iyang anak kong si jess. hindi nagsasalita. dapat pala pinakain namin ng puke ng baboy yan." Tawa ako ng tawa. Ganun pala yun? Pag tahimik pala ang isang tao, dapat pakainin sya ng kiki ng baboy! Yuck!

Medyo dramatic role si my beautiful, darling Rufa dito. Pero as usual super-pretty pa rin sya. Sana ay medyo dinagdagan ang screen time at script nya.

Pero wag ka, very symbolic ang pelikulang ito. Close to the end, ipinako si Jess sa krus dito, kapalit ng pagtulong ng Amerikanong panot na makapunta sya sa US. Holy week kasi at that time eh. Hindi ba ganito ang mentality ng pinoy about going abroad? Gagawin nila lahat para lang makapunta sa Amerika. Isasanla lahat ng ari-arian, iiwanan ang pamilya at kung anu-ano pa, para lang makarating sa America. Akala nila eh once nasa abroad na sila, magsisimula na silang mamitas ng salapi sa puno.

Pero siempre, at the end, pinili ni Idol ang kanyang mga mahal sa buhay. Oo, hindi sya pumunta sa America. Napakagandang mensahe di ba? Mas pinahalagahan nya ang mga mahal nya sa buhay at ang kaligayahan nya sa inang bansa kesa sa sa pagpunta sa America. Dapat kayo din. Timbangin nyo muna ang mga things-things (bagay-bagay). Hindi lahat ng bagay, esp. kaligayahan eh nabibili ng pera.

Gi-watch nyo ang pelikulang ito. It's well worth it. Ang rating ko sa movie na ito? 4.5 Utots.


Wednesday, January 11, 2006

D'Anothers Movie Review




"OO na, magaling ka ng sumayaw. Bwiset."

May nabasa ako one time na sinabi ni Vhong Navarro (not sure, if this was meant to be a joke or not), na D'Anothers surpassed Feng Shui at the box office. Eh siempre, para sakin wala ng tatalo pa sa Feng Shui, and to have someone say that it has been surpassed, ma-cu-curious talaga akong panoorin kung ano mang pelikulang yun.

So yun nga. Eh di pinanood ko ang D'Anothers. Hay naku, matatae ako sa sobrang asar ko sa movie na ito. High yata ang nagsulat nito dahil walang direction ang story ng movie.

As in, hindi ko maintindihan. Pero sige na nga, I'll try .Vhong's character was supposed to be D'ONE na tutulong sa mga ghosts sa isang haunted house para sila ay makatawid sa kabilang buhay.

Oo, teka, okey, fine. Pero walang explanation kung bakit sya ang D'one, or kung bakit magiging ipis ang mga multong iyon, or kung paano sila na-stuck sa bahay na iyon, or kung bakit hindi sila makalabas sa bahay na iyon. Ito pa ang isa, sa movie, nalunod si vhong, and he was stuck in the well for a good number of hours, pero ano? Aba, eh buhay pa rin. Umalis lang ang kaluluwa. Pwede ba yun? Ano sya? Candidate for canonization as a Saint?

The only consolation that I got from this movie was, seeing Arlene Muhlach again. Kung hindi nyo sya kilala, sya ang sister ni Aga. No offense ha? Pero nagulat ako, kasi mukha na syang balyena! Ang laki-laki nya! Pero at least, makikita mo parin ang kagandahan nya.

Nagulat din ako sa tsura ni Vhong ngayon, ang kinis nya at nagkamukhang tao na sya. Iba talaga ang nagagawa ng may pera ano? Pero the one who caught may attention was one of the bratty cousins, Archie Alemania ba yun? cute sya and he reminds me of Bamboo.

I don't recommend seeing this DVD. Pero pwede mo syang gamitin na panakot sa mga anak mo. "Sige, pag nagtrantrum ka pa, itatali kita at i-wa-watch mo ang D'Anothers!"

Ang rating ko? 1 Utot.


Monday, January 09, 2006

31st MMFF: BEH BUTI NGA!!!

The cast of KUTOB
"Ang mga sakim ay hindi nagwawagi."

Nagproprotesta raw si Mother Lily at Joel Lamangan kasi hindi nanalo si Direk Joel ng Best Director. Sabi pa ni Direk, madumi daw and festival. He expected to win kaya raw sya nasa Aliw theater.

Nanalo for best direction si Direk Jose Javier Reyes for KUTOB. Tapos best actor si Marvin for his role in that film.

Sa best actress naman ay si Mrs. Dolphy (Zsa-zsa). Best picture naman ang BLUE MOON ni Direk Lamangan, kaya pala sya nag-expect na manalo. It goes hand-in-hand daw na kung sinong best picture, eh ang nag-direk noon ang best director.

Ang masasabi ko lang kay Mother at Direk Joel, eh "BEH BUTI NGA!!!" Mga sakim kasi kayo eh. Mag-eenter kayo ng apat na films sa MMFF, that's breaking the rules. Anong akala nyo? Pag marami kayong entry eh mas malaki ang chance na marami kayong mapanalunan. And who says na kung best picture ka eh best director ka rin? Helloooo??? Although it's usually the case, hindi parating nangyayari. Take the case of the Oscars in 2003. Best Picture went to CHICAGO, but the best director went to Roman Polanski who directed THE PIANIST.

Ang yayabang ninyo naman. Ang tigas nyong sabihin na "Of course I expected to win!" Anong klaseng statement yan? Kung ang mga batikang director na gaya ni Spielber eh hindi nagsasabi ng ganyan, eh kayo pang walang "K" na magsabi ng ganyan.

Para kayong mga bata, ni-break na nga ninyo ang rules at first, tapos i-expect nyo pang manalo, tapos nung natalo na kayo eh you're accusing MMFF of dishonesty. Buti pa maglaro na lang kayo ng bahay-bahayan.

Congrats to Direk Reyes for winning the award. You truly derserve it. Ang masasabi ko lang kay Mother Lily at Direk Joel eh "Karma's a bitch ain't it"?

This page is powered by Blogger. Isn't yours?