Monday, October 17, 2005
M.Y.M.P.: Karaoke ang Dating
So heto, na-curious ako sa grupong M.Y.M.P kasi sikat na sikat sila. Ang taas ng sales ng album nila. So nagpabili ako ng album. Heto nga, yung "Beyond Acoustic" two-disk set ang nabili ng Tita ko. Excited na excited akong pakinggan. Namputsa! Puro remakes lang pala ang mga kanta. In-short, karaoke. Okay lang sana kung mag-remake sila tapos very original ang dating. Yun bang iisipin mong hindi remake yung kanta. Yung naging kanila talaga ang kanta. Pero HINDE!!! The only difference is, acoustic versions ang nasa album nila. Pati boses ni Tracy Chapman eh ginagaya. Wala talagang originality. Pati production ng album eh hindi maganda. Hindi balanced ang sounds ng boses at instrumento.
Eh bakit mataas ang sales ng album nila? Sad to say, maraming bakya sa Pinas. Eh kung ako ngang baduy eh sobrang nababaduyan sa album nila. I'm sure yung bumili ng mga album nila eh yung mga bumili rin ng album ng April Boys. Yung mga super-bakya.
Wala kasi akong respect sa mga "musicians" na nagre-remake ng mga kanta na walang originality. Pumunta ka sa maski saang karaoke bar at mas maganda pang pakinggan kesa sa M.Y.M.P. Ano bang ibig sabihin ng M.Y.M.P? Make Your Maids Proud ba?
On the plus side, mas gugustuhin ko naman makinig sa M.Y.M.P kesa sa makinig kay AShlee Simpson. Lesser of the two evils kumbaga.
Anong rate ko dito sa album nila? 0.001 Utot.
Comments:
<< Home
I like your comment about MYMP. I'm not a big fan of MYMP pero OK lang na manuod ako ng gig nila. Gusto ko yung "Sa Kanya" pero I'm sure mas maganda yung original.
Post a Comment
<< Home