Monday, January 22, 2007
Pa-siyam
Pa-siyam Film/Movie Review
2004
Directed by: Erik Matti
Written by: Dwight Gaston
Genre: Horror / Drama / Mystery
CAST:
Roderick Paulate .... Nilo
Cherry Pie Picache
Aubrey Miles .... Ruth
Maricar De Mesa
Yul Servo
Ana Capri
Jaime Fabregas .... Father Ben
Cristine Reyes
Lui Manansala
Ermie Concepcion
Dexter Doria
Crispin Pineda
Hello dear fans!!! Kumusta ang weekend nyo? Ay josko, dito sa isla namin ay talaga namang titigil ang puso mo sa lamig. Dapat dito gawin ang cryogenics laboratory eh.
PLOT:
Pa-siyam is a tradition gone bad for this family. A bunch of siblings saw each other again after a very long time. Sadly, it's for the death of their mother. While at the house, a lot of strange things have been happening. Waking up with shit everywhere, blood on the floor, pee on the stairs... With all the mystery that has been happening, they consulted the help of an ispiritista and they learned who really killed their mother.
Pers op ol, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, utang na loob, wag kang magkakamaling panoorin ang pelikulang ito. Oh, my gulay, this is not a horror film, this is a fucking HORRIBLE film! This has gotta be the most boring, most slow paced, most stupid pinoy film that I have ever watched. Seriously, kung hindi lang dahil saking mga dear fans na umaaasa, hindi ko tatapusin ang pelikulang ito. 1.5 hours to the movie, tsaka lang nagkaroon ng mga "kababalaghan" sa pelikula.
Ay naku, nakalbo talaga ang kili-kili ko sa panonood nito dahil sa boredom. Super-bagal ang pelikula at andaming scenes na hindi naman kelangan sa film. Dapat ni-edit ito. This is a 15-minute film that stretched into a 2-hour film.
Tapos, yun pala, yung ispiritista lang ang makakapagpaliwanag ng lahat, which is super-impossible. Oh, my god talaga. Halo-halo at walang patutunguhan ang mga scenes dito.
Seriously, mangiyak-ngiyak na talaga ako sa kapapanood dito. Gusto ko ng pasabugin ang DVD player dahil sa inis. Talaga namang pagkatapos ng pelikula eh itinapon ko sa kalsada ang PA-siyam DVD at sinagasaan ko ng kotse ng paulit-ulit. Yes dear fans, that is how horrible this film is.
I can't believe that the same guy who directed EXODUS directed this crap. The only saving grace of this film is Aubrey Miles' acting, pero that alone is not worth buying this DVD for.
My verdict for this film? Tumataginting na itlog (Zero) Utot. This is a badly-directed, badly-edited film. Pero on the good side, panoorin mo sya sa lenten season, dahil yung agony na mararamdaman mo sa panonood ng film nito eh parang ipinako ka na rin sa krus.
Thursday, January 18, 2007
Pagdating Ng Panahon
Pagdating Ng Panahon Film/Movie Review
2001
Directed by: Joyce E. Bernal
Written by: Mel Mendoza-Del Rosario
Genre: Romance/ Comedy
CAST:
Sharon Cuneta .... Lynette
Robin Padilla .... Manuel
Rufa Mae Quinto .... Bubut
Roldan Aquino
Eddie Arenas
Amy Austria
Marissa Delgado
Rosemarie Gil
Bing Loyzaga
Baby O'Brien
Bernard Palanca .... Willy
Luz Valdez
Hello dear fans!!! Kumusta na ang aking mga fans na nagkalat sa iba-ibang parte ng mundo? Naku, swerte nyo kung + (plus) ang temperatura jan, samantalang dito sa isla na kinatitirikan ng kubo ko eh napakalamig. Talaga namang makapanginig-tumbong ang lamig. Kumurap lang ang mata ko eh hindi ko na mabuksan dahil nagyelo na. Kala nyo nagbibiro ako? Hindi no?
PLOT:
Pagdating Ng Panahon (PNP) is girl-power movie. Sharon assumed that Robin proposed to her, but she was sadly mistaken. To heal her broken heart, she went to Manila to better herself and to be a success.
Di nyo ba napapansin na pag si Robin ang bida eh parating si Joyce Bernal ang director? Hmmm...
So eto nga, ang pamilya ni Sharon dito eh kung sinuman pakasalan lalaki eh namamatay. Kaya takot ang mga tao na pakasalan sila. One day, nag-uusap si Sharon at Robin about mga bagay-bagay. Eh kala ni Sharon nag-propopse si Robin. Aba, pinagkakalat na ng bruha. Nung malaman nya na maling akala nya, eh nagpunta sya sa Manila para paunlarin ang sarili nya at ang business nya.
Ito lang ang masasabi ko, so far ito ang pinakagusto kong tambalan ni Robin at Sharon. Bakkettt? Una, kahit predictable ang story, medyo maganda naman. Walang makikidnap dito at walang habulan. Pangalawa, maganda ang cinematography. Talagang nostalgic ang mga shots sa Los Banos, Laguna. Oo, taga-Laguna ang lola nyo. Kaya nga proud na proud ako eh. Siempre, nandito sa story ang aming world-famous buco pie. Kaya kung pupunta kayo ng Laguna, don't forget to buy an original buco pie. Wag kayong bibili sa nga naglalako sa bus ha? Dapat bibili kayo sa tindahan talaga ng buco pie. Hindi ko lang matandaan kung "Special Buko Pie" or "Original Buko Pie" ang pangalan nung store. Bumili na rin kayo ng fresh chocolate milk, malapit lang sa tindahan ng buko pie. Ay talaga namang, delicious.
Pangatlo, siempre, girl-power ito. Kahit broken-hearted si Sharon, imbes na magpakamatay sya eh she chose to better herself and she was successful doing it. Dapat naman talaga ganito ang buhay, di ba? Kung binigyan ka ng calamansi, maggawa ka ng calamansi juice, hindi yung nagmumukmok ka sa sulok.
Pang-apat, siempre, nandito ang aking my darling Rufa-Mae. Although maigsi lang ang papel nya dito, sya ang rason kung bakit binili ko ang film na ito. Her moments are still the funniest in this film.
Sadly, talagang walang chemistry si Robin at Sharon. Mukhang anak lang ni Sharon si Robin dito.
Although predictable ang story, I endjoyed watching this film. It's a feel-good movie, and ang cute ni Robin, huh? Very kissable ang kanyang makinis na fez. I give this film 4 Utots.
Monday, January 15, 2007
P.S. I Love You
P.S. I Love You Film/Movie Review
1981
Directed by: Eddie Garcia
Written by: Edgardo Reyes
Genre: Drama / Romance
CAST:
Sharon Cuneta
Gabby Concepcion
Boots Anson-Roa
Eddie Garcia
Norma Japitana
Barbara Perez
Nova Villa
Lampel Luis
Joel Alano
Hello dear fans!!! Kumusta ang Maligong bagong taon nyo so far? Ilang new year's resolution na ang na-break nyo?
Alam ko naman na miss na miss nyo ako. Kung sobrang miss nyo ako, email lang kayo sakin at promise, hindi ko kayo i-se-send ng virus or spam or chain email.
PLOT:
P.S. I Love You is a story of a budding teenage romance. Everything is going perfect for the young couple, but all of a sudden, to their surprise, Ate Shawee's mother is determined to keep them apart at all cost.
This movie is another Sharon Cuneta classic. The Sharon-Gabby loveteam is the most famous of all Sharon's loveteams in my opinion. I think ito lang ang loveteam na may chemistry sya sa guy, otherwise, lahat ng loveteam nya after this, puro "'la lang".
Kamamatay pa lang ng daddy ni Sharon dito. Nakasanla ang hacienda nila kay Eddie, tapos eh itong si Eddie asshole kay Boots. Hindi pinaliwanag sa una kung bakit hindi maganda ang samahan nitong si Eddie at Boots dito.
To make the story short, na-inlove si Gabby kay Sharon siempre. I like the way that the love story was told here. It was told in a good pace. Tama lang. Hindi masyadong mabilis, hindi masyadong mabagal. Hindi katulad ng mga love story ngayon na in a span of a day eh nagkakalablaban na ang mga characters.
In the end, it was explained why Boots hated Gabby so much (aside from the fact na anak si Gabby ni Eddie). It's a good twist, and I wasn't expecting it. That made the movie more meaningful to me.
Makikita mo sa movie na ito ang generation gap ng mga teenagers ngayon as compared to more than 20 years ago.
20+ years ago ito ang mga na-notice kong difference about teenagers sa movie:
- Sobrang yaman nila. As ii, palasyo ang mga bahay at ang dami nilang lupain. Tapos may private plane pa.
- They are very respective of their elders. Although Sharon's mom was very unreasonable here, hindi sya dinis-respect ni Sharon. They solved their conflict in a very calm way. Very well done.
- Very educated ang mga teenagers dito. The way they speak english, mapapa-wow ka talaga. They don't speak curses or swear words.
They spend their time doing sports, art, summer classes, etc. You'll wonder talaga kung anong nang nangyari sa kabataan ngayon
In the end, I really love this movie. It was very nostalgic. Kaya lang sad, kasi magtataka ka kung bakit sobrang well-mannered ang mga teeners noon, pero bakit ngayon, mga walangya na (hindi naman lahat ha?).
Gabby here was very, very sexy. I think he has the sexiest male body I have ever seen in Philippine movies. Ay tita, hindi masyadong maskulado pero tama lang. Ang ganda pa nyang magdala ng pants. Swerte ni KC at nakuha nya ang charisma ni Gabby.
Story-wise and script-wise, I give this film 5 Utots. Pero kung isasama natin ang cinematography, quality of the film at ang pagkaka-angkop ng sound, I give this film 4 Utots only. The quality of the film was not very good. Madumi. It would've helped kung ni-remaster ito. Yung background sounds, hindi angkop sometimes. Masyadong OA. Yun bang tipong, iisipin mo eh suspense ang pinapanood mo dahil sa sound na ginamit.
Bottomline is, this is a must-add for your collection. Hayyyy.... sana nagkaroon ng twin si KC para may maganda at gwapong offspring si Gabby.
Wednesday, January 10, 2007
MALIKMATA
Malikmata Film/Movie Review
2003
Directed by: Jose Javier Reyes
Written by: Jose Javier Reyes
Genre: Horror / Thriller
CAST:
Rica Peralejo .... Sara
Marvin Agustin
Dingdong Dantes
Ana Capri
Jackie Castillejos
Ricky Davao
Wowie De Guzman
Eugene Domingo
Madeleine Nicolas
Barbara Perez
Tyron Perez
Nikki Valdez
Shintaro Valdez
PLOT:
Malikmata is a story of a young girl with psychic abilities. She's trying to help a guy find the killer for her murdered lola.
So eto nga, si Rica eh my psychic powers. Tinutulungan nya si Marvin na hanapin kung sino ang pumatay sa lola nya at sa katulong nila. Eh kasi naman, maraming gustong pumatay sa lola ni Marvin, kasi masyadong mayaman eh.
Ang masasabi ko lang eh, dapat ilambitin ako ng patiwarik at hampasin ng palu-palo dahil hindi na ako natuto. Joey Reyes writing a horror film? Eh ilang beses ko na bang napatunayan na hindi naman magaling magdirek at magsulat si Joey ng horror, eh sige pa rin ako. Matigas ang ulo, pinapanood pa rin ang mga pelikulang ito.
Parang sawang-sawa na ako sa pag-arte ni Marvin. Yun bang parati syang kinakawawa. He reminds me of Maricel Soriano, only he knows one way of acting. Siguro I need to watch him in a different role coz hindi ko na ma-take ang kanyang damsel in distress na role.
The story wasn't original. Although may mga pa-special effects pa sila when Rica was trying to find out what happened. There was a particular scene na medyo nahulog ako sa kinauupuan ko sa gulat. Hindi ko na lang sasabihin sa inyo para medyo magulat rin kayo.
May padugo-dugo pa sya ng ilong ha? Eh ako ang duduguin sa pelikulang ito eh.
On a positive note, medyo may katiting na pagka-suspense ang ending nito. Pero kung ikaw ay isang batikang tagasunod ng horror movies, eh mahuhulaan mo agad kung sino ang salarin.
The one thing that I really noticed was how losyang Wowie had become. Tita, hindi ako makapaniwala na ito yung matinee idol dati. I dunno if it's because of his role o talagang swangit na sya. Di dating leading man ito ni Juday? Eh bakit ganyan na ang tsura ni Wowie? Bata pa sya di ba? He didn't age gracefully I'm telling you. Iho, siguro kelangan mo ng magpa-appointment sa gym trainer at sa nutritionist para bumalik ang kabataan mo.
I give this film 2 Utots. Although, for a horror fanatic like me, it was predictable na doesn't deserve more than 1 Utot, pero siguro kung ikukumpara mo sya sa ibang average Pinoy horror, pede na rin.
Monday, January 08, 2007
Spirit Of The Glass
(2004)
Directed by: Jose Javier Reyes
Written by: Jose Javier Reyes
Genre: Horror / Fantasy
CAST:
Rica Peralejo
Marvin Agustin
Dingdong Dantes
Alessandra de Rossi
Paolo Contis
Ciara Sotto
Drew Arellano
Ana Capri
Mark Gil
Jay Aquitania
Jake Cuenca
Hello dear fans!!! Siguro naghuhuramentado most of you ano, kasi tapos na ang Pasko vacation nyo. Balik na naman sa iskul o sa opis para mag-aral/kumayod. Di bale, o malapit na ang balentong day. Hindi pa huli ang lahat para kumuha kayo ng ka-deyt. Maski hindi nyo jowa, ok lang, di ba?
One of my readers is nagsabi na partial daw ako sa mga ABS-CBN movies (Star Cinema). Hindi naman sa ganon, iho/iha, nagkakataon lang na ang mga nagugustuhan kong pelikula eh gawa ng Star Cinema. Kung babasahin mo ang buo kong blog, makikita mo na meron din akong nagustuhan na mga pelikula na gawa ng ibang outfits, namely Viva, Unitel (Crying Ladies) and yes, Regal Films (Aishite imasu) among others. Pero sa ngayon, alam ko na parati kong binabatikos si Mother Lily, it's because I really had high respects for her film noon, pero ngayon, parang ang first priority nila ay maging blockbuster ang pelikula (namely, the kilig factor) at hindi ang magandang directing at storyline. Pwede naman gawing pre-preho silang priorities di ba?
Tsaka, bakit ko naman kakampihan ang ABS-CBN eh hindi naman nila ako binabayaran? Eh di sana 5 Utots lahat ng pelikula nila. Tsaka I buy DVDs from my own bulsa no? So talagang galit ang lola nyo pag nasasayang ang pera ko sa pangit na pelikula.
Anywho, open naman ang ears ng lola nyo. Kung meron kayong mga movies na talagang nagandahan kayo na hindi ko pa na-review, eh send lang kayo ng list.
PLOT:
Spirit of the Glass is your typical calling of the dead spirits gone horribly wrong. A group of friends who had nothing better to do during their lenten holidays, decided to have a spirit of the glass session. In doing so, they have summoned a spirit who wouldn't leave them alone.
Mahilig ako sa horror/suspense movies, pero sa totoo lang, pag si Joey Reyes ang sumulat ng story, asahan mong alam mo na ang ending at napaka-predictable ng film. Stick ka na lang sa romantic comedies Direk Joey.
Sa una pa lang, pinakita na ang character ni Marvin na ginugulpe. Tapos pag nag-fast forward na sa present, maski hindi pa sila nag SOTG (Spirit of the glass) session, lammo na na ang multo eh si Marvin, at lammo na na si Rica eh kamukha ng jowa nya noon.
Ewan ko ba kung bakit kelangan ipakita ito sa first reel pa lang ng movie. Hello??? Suspense nga eh, bakit ibibigay mo agad ang sagot?
Pero wagka, yung mga pag-appear ni Marvin, medyo may halong katatakutan pa rin. Yung nga lang, mas nakakatakot sana kung hindi nila pinakita ang character nya sa first part ng film.
Maganda rin ang interactions ng mga cast dito. Cute ng pag-arte ni Alessandra. For me, she's the highlight of the movie.
Pero siempre, nagustuhan ko rin yung cinematography ng probinsya. Nostalgic kasi eh.
All in all, I had high expectations for this film. Kaya lang I was bitterly disappointed. They shouldn't allow Joey Reyes to write/direct another horror/suspense film. They should leave this to Chito Rono and Yam Laranas. Two of my favorite horror directors so far.
So ano pa nga ba, eh di I give this film 1 Utot. Kung ito ang first time nyo na nakapanood ng pinoy horror movie, baka passable sa inyo. Pero kung familiar na kayo sa same old formula for Pinoy horror, matulog ka na lang ng patay ang ilaw at nakatingin sa bintana, mas nakakatakot pa yun.
Wednesday, January 03, 2007
SANTA SANTITA
Santa Santita Film/Movie Review
2004
Directed by: Laurice Guillen
Written by: Johnny Delgado and Jerry Gracio
Genre: Drama
CAST:
Angelica Panganiban .... Malen
Jericho Rosales .... Mike
Hilda Koronel .... Chayong
Johnny Delgado .... Fr. Tony
Cherry Pie Picache .... Sister Dolor
Ricky Davao
Pinky de Leon .... Mrs. Hoffman
Hello dear fans! Siguro iniisip nyo na, "Abah, himala, may post na naman si Willow!" In the spirit of the himalas, I'm reviewing a movie about himala. Enjoy dear fans!
PLOT:
Santa Santita is a story of a young girl, who is very far from perfect. She's a troubled teen in short. After her mom died, she took over their business of "padasal". Lo and behold! All of the prayers that she did for the other people came true.
So eto nga yung storya, si Angge (Angelica) eh pasaway na babaye. Kirengkeng ang loka. Biro mo nagtitinda sya ng eskapolaryo sa harap ng tindahan eh kumikerengkeng kay Echo na isang lalaking pokpok.
Eh di siempre, dahil naman talaga makalaglag salawal ang mga dimples ni Echo eh sumama si Angge sa kanya isang araw, dun na nagsimula ang away ng Nanay nya (na by the way ang trabaho eh nagdadasal sa simbahan for other pipol), so lumayas ang pasaway. Nung bumalik sya eh patay na ang Nanay nya. Nag-took over sya sa padasal business nila, tapos lahat ng dasalin nya eh nagkakatotoo.
First of all, yung sinasabi sa ibang reviews na "Modern Mary Magdelene" story itong SS (Santa Santita), eh nagkakamali sila. First, hindi pokpok si Angge, hindi rin sya makasalan in my view. She's s teenager, raging hormones, hello??? Second, hindi ko matatawag na stigmata ito, dahil ang stigmata eh nangyari lang sa dreams nya, not in her waking life. 3rd, although talagang himala ang mga dinadasal nya, in the end, hindi nya nabuhay yung anak ni Echo, which doesn't make sense, kasi parang na-invalidate lahat ng dinasal nya before.
Although this movie is watchable, muntik nakong mapatae sa ending nito. Lammo yun, kala ko malapit na ang climax nung namatay yung anak ni Echo, pero ang mga sumunod na pangyayari eh nakapagtataka. Iisipin mo tuloy tinamad na ang mga writers na gumawa ng ending. Minadali baga. Walang closure. Hindi ko na lang sasabihin ang ending, coz there's no point. The ending should be rewritten.
The pacing of the story was slow, although I wasn't that bored, na-bore pa rin ako.
Ay naku tita, sayang, may potential pa naman ang movie na ito. Someday, i-re-rewrite ko ang story nito "Santa Santita Revisited" with alternate endings of course.
The highlight of the movie was the procession of the Nazareno. Enjoy ako sa mga kulturang Pinoy eh. Tsaka hindi pa ako nakakaranas nun, kaya fascinated ang lola nyo nung makita ko yun.
Other than that, my verdict? 3 Utots. Passable naman ang acting ng mga artista. Tsaka tawa ako ng tawa nung hindi bayaran si Echo nung customer nya after makipagkantutan sa kanya. Beh buti nga!
Tuesday, January 02, 2007
Di Na Natuto
Di Na Natuto (Sorry Na, Pwede Ba?) Film/Movie Review
1993
Directed by: Eddie Rodriguez
Written by: Emmanuel H. Borlaza and Eddie Rodriguez
Genre: Romance / Action / Drama
CAST:
Sharon Cuneta
Robin Padilla
Edu Manzano
Nida Blanca
Armado Cortez
Timmy Cruz
Angelu De Leon .... Elisa Esplana
NiƱo Muhlach
Carlos Padilla Jr.
Caridad Sanchez
Happy New Year sa lahat ng magaganda at gwapo kong fans! Siguro matutuwa kayo
dahil nandito na naman si Willow para buuin ang araw nyo.
PLOT:
Di Na Natuto is one of those romance movies created just for the mere KILIG factor. Ate Shawee is a poor girl being fought over by two rich gwapings. Edu and Robin. One is Cain, one is Abel (yung mga hindi nagbabasa ng bibliya jan, meaning one is bad, one is good). Siempre the twist is one is ampon pala and he's trying to poison their father.
Ang hindi ko maintindihan sa mga romance movies eh bakit kelangan parating may kantahan, may makikidnap, hence the action scenes. Grabe, lammo, kung lahat ng mga lumaki sa ibang bansa eh papapanoorin mo ng mga romance films na Pinoy, ay tita, matatakot silang tumira at magkajowa sa Pinas. Eh kasi naman, parating may nakikidnap.
Talaga tita, kulang na lang na lagyan nila ng horror twist. Siempre, may drama, musical, action, comedy, yun horror na lang ang kulang. Siguro kung medyo sinapag-sipag pa ang mga writers nito eh binuhay nila si Nida Blanca (Namatay si Nida dito) na maging zombie para magkaroon ng habulan sa sementeryo.
God, it was painful to watch this film. As usual, Robin's acting was atrocious. Parating nakasigaw at super-OA. I mean, super-OA talaga. Kung may awards for the most OA acting, panalo sya. Si Ate Shawee naman, OA din. Ewan ko ba sa mga Piniy comedies, na bakit pag sinabing comedy dapat OA ang pag-arte. Sa totoong buhay ba ganyan tayo?
The story was horrendous. Ay ewan, si Edu pala ay ampon. Nung malaman nya eh gusto nyang patayin Papa nila. Parang ang hirap paniwalaan di ba? Pinalaki ka sa pagmamahal tapos nalaman mong ampon ka gusto mo ng patayin ang nagpalaki sayo. Maski naman siguro demonyo kang tao eh may konti ka pa ring utang na loob di ba? I'm sure one day, Nag-inuman si Maning Borlaza at Eddie, tapos dun nila sinulat ang story nito. Kaloka talaga!
The only saving grace of this film is Caridad Sanchez' acting. Siguro one or two minutes lang ang labas nya dito, pero her acting was natural and believable. The other casts? Pwe!
What can I say Ate Shawee? I'm very disappointed with this movie. Please lang, don't make anymore comedy movies with Robin. Maawa ka naman sa mga fans mo.
My verdict? 1 mahina at malamyang Utot.