Friday, July 28, 2006

Volta


Volta film/movie review (2004)
Directed byWenn V. Deramas
Written by Artemio Abad and Mel Mendoza-Del Rosario
Genre: Action / Adventure / Comedy / Fantasy / Romance


CAST:


Ai-Ai de las Alas .... Perla/Volta
Jean Garcia .... Kelly/Celphora
Diether Ocampo .... Atty. Lloyd Ventura
Bobby Andrews .... OH-Vlading
Onemig Bondoc .... OH-Blah-Blah
Justin Cuyugan .... Percy Magtoto
Boy Abunda .... Ama
Hero Angeles .... Himself
Dang Cruz
Eugene Domingo
Laurenti Dyogi
Joross Gamboa .... Himself
Roxanne Guinoo
Pauleen Luna .... Penny
Magtoto Mura .... Nine Volts
Sandara Park .... Herself
Melissa Ricks
Tsokoleit

Oh my gulay! Sorry dear fans at ngayon lang ako nakapag-review muli. Marami kasing mga pangyayari na nangyari kamakailan lamang. Siempre, tao lang naman ako na marunong din malungkot, tumawa, umiyak (hindi sabay-sabay no? ano ako, bale?). Siempre, ayoko namang idamay kayo. May kanya-kanya tayong problema at hindi peyr (fair) na isali ko pa kayo di ba?

PLOT: Volta is the story of a female heroine who acquired her "electric" powers thru lightning. Although it's a great advantage to mankind, she is considered cursed by her loved ones.

So ito nga, si Ai-ai ay si Volta. Nakuha nya ang powers nya in 3 lighthing strikes. In one of those strikes, nadamay ang kapatid nyang totoy by accident. Tapos all their lives, minaltrato na sya ng ungas at parating sinisisi.

In fairness, ok naman ang special effects ng movie. I'm not saying na pede na syang isabak sa international scenes, pero passable ang effects. Mas maganda naman ang effects compare mo sa Mulawin or sa Enteng Kabisote.

The script was good. Meron mga scenes na talaga namang mapapatawa ka, tsaka siempre, ang ganda ng delivery ng mga punchlines ni Ai-ai.

Meron ding mga drama scenes na passable. Hindi ka mapapaiyak, pero siguro, maaantig naman ang damdamin mo maski katiting. Hindi kasi magaling si Justin, yung gumanap ng Percy eh. Oo nga't galit ang papel nya, pero yung mukha nya, parang tinurukan ng sangkatutak na botox. Hindi gumagalaw eh.

Walang chemistry si Ai-ai at Diether. Hindi sila bagay na magka-loveteam.

Yun namang villains, hindi masyadong creative. Feeling mo, nanonood ka ng film nung 70s kasi ganun ang style nung villains. Yun bang parang kalaban ni Ate Vi sa Darna and the Planet women. Yung character ni Jean, halatang ginaya kay "Storm" ng x-men.

I mean, ok lang sana kung ang mga kalaban nya eh mga normal na tao lang, pero gawing creative naman ang mga villaneous tricks di ba?

All in all, nag-enjoy pa rin ako sa movie. Halos lahat naman ng ginagawang movie ni Ai-ai eh entertaining. Mag-eenjoy dito ang mga kiddies. So I give this film 4 Utots.

Monday, July 17, 2006

Intermission Muna

Sensya na dear fans at medyo madalang ang posts ng lola nyo. Medyo depressed lang ako kasi, natitigatig ang aking kalooban with what's going on with the world today. Involved kasi ang workplace ko with regards to the crisis centre tungkol sa lebanon bombing.

Siempre, although wala naman akong kamag-anak dun, pero kapwa-tao pa rin natin sila. Mga tao silang walang kasalanan at nadadamay lang sila.

Hayyy... (hikbi)

Tuesday, July 11, 2006

Friends In Love

K's Classic Movie of the Week

Friends in Love (1983) Film/Movie Review

Directed by: Eddie Garcia
Genre: Drama / Romance


CAST:

Sharon Cuneta
Jackie Lou Blanco
William Martinez
Rowell Santiago

Mabuhay dear fans!!! Ipagpatawad nyo at matagal na naman akong nag-disappear. Di ba sabi ko sa inyo may sarili na akong domain? Eh hindot! Hindi naman pala ako marunong gumawa ng website (not yet anyways). Gusto ko siempre malamig (cool). Gusto kong gumamit ng kidlat (Flash), pero hindi ako marunong pa. Sumasakit mata ko sa katitingin sa screen. Pasyente (patience) lang po. Gusto ko kasi pinakamagaling (the best) para sa mga fans ko.

PLOT:

Friends In Love is a story of two couples who had to experience letting go of each other in order to find themselves again.

Bale, yung story, dalawang mag-jowa na sobrang magkaiba sila. Parang gabi at umaga. So nag-break sila at nagpalitan ng jowa, in the end sino kaya ang magkakatuluyan? Siguro naman maski retarded ka eh alam mo na ang ending.

If you're looking for an in-depth story of love, this is not the movie for you. Simpleng-simple lang ang movie. Isang theme na pinahaba ng isa't kalahating oras, dyarannn!!! It's a movie.

Pero siempre, nostalgic. Nakakatuwa, kasi pinakita dito kung anong hitsura ng isang college university sa Baguio. Napaka-nostalgic. Tsaka siempre, yung 80's fashion. Mapapautot ka sa katatawa. Nandun yung body hugging pants for the guys, shoulder paddings for the girls and balloon skirts. funny talaga.

Kaya lang, sad din, kasi sana si Rowell na lang at si Ate Shawee ang nagkataluyan. Para pa naman ang bait-bait ni Rowell. Eh di sana hindi nasawi si Ate Shawee with Gabby.

Anywho, the story was shallow, but still an entertaining movie. I give this film 3 Utots.


Wednesday, July 05, 2006

9 Mornings


9 Mornings (2002) Film/Movie Review
Directed by: Jose Javier Reyes
Written by: Jose Javier Reyes and Antonio Sison
Genre: Romance/ Drama


CAST:
Piolo Pascual .... Gene Ynfante
Donita Rose .... Elise
Sandy Andolong
Madeleine Nicolas
Dominic Ochoa
Pamela Ortiz
Belinda Panelo
Empress Schuck .... Sandy
Armida Siguion-Reyna
Ynez Veneracion

Hoy, Ano (Nymus), baka naman basa ka ng basa ng rebyu ko pero hindi mo naman pinapanood ang mga recommendations ko ha? Importante ito para magtagumpay ang pelikulang pinoy.

Sabi nitong si Ano eh kung babae daw ako eh gusto nya akong anakan. Naku, no thanks. Kung babae man ako eh hindi ko balak magka-anak ng mukhang kandule. TSaka sobrang manyak ka eh. Baka mamaya eh mawarak ang ano ko, ang pwet ko. He, he, he... Hindi na kakayanin ng diatabs yun.

Sabi ba nitong si Ano eh, naibuga daw nya ang "mamahaling" kape nya habang nagbabasa ng rebyu. If I know eh kapeng barako lang yan.

Anywho, back to my reviews.

PLOT: 9 Mornings is a story of a modern day Mr. Scrooge, who was about to inherit a large amount of money... on a condition that he completes the 9 simbang gabi. In doing so, he meets a few people that changes his outlook in life, as well as the way he feels about love.

I'm sure alam nyo na kung anong magiging verdict ko. Siempre, si Papa Piolo eh. Uulitin ko, hindi ako fan ni Piolo, pero fan ako ng kanyang sining. Napakagaling syang umarte at napakagwapo pa! Makalaglag-salawal talaga.

So, yun nga, si Piolo eh napaka-kj. Wala syang inatupag kundi magpayaman at makipagkantutan. Napakasama ng ugali nya sa mga tauhan nya sa trabaho. Sinisigawan nya sila at parating minamaliit. Isang araw, namatay ang lola nya at gusto syang pamanahan ng maraming moolah, kaya lang, dapat kumpletuhin nya ang simbang gabi. Dito, nameet nya si Donita at si Empress (yung bata), then nagbago na ang outlook nya sa buhay. Hindi ko an masyadong ilaborate ha? Kundi, dapat bayaran nyo na ako ng cinema entrance fee.

Anywho, as usual, bravo Papa Piolo! Magaling talaga si Papa Piolo. For this reason alone, worth it i-watch yung movie. Talaga namang napaka-touching ng mga scenes, lalo na yung scene with his secretary nung xmas party.

Si Donita Rose nama, ay iha, mag-veejay ka na lang. Kung meron best performance by a tuod, siguradong panalo ka. Akala ko tuod na nagsasalita yung leading leady ni Papa Piolo, si Donita pala. Kala ko tuloy fantasy story 'to. Sorry, hindi sya magaling na artista, maganda sya, pero yun lang.

Ito namang si Ynez Veneration ba yun, yung isang malanding kantot-mate ni Papa Piolo, ayyy, ang babaeng may bigote! Dapat sa karnabal na lang sya magtrabaho. The Bearded Lady. Sana naman nag-ahit man lang sya ng bigote nya bago nya gawin yung pelikula.

Pero ang isang kahanga-hangang performance dito ah itong si Empress. Napakaganda ng batang ito. Sobrang cute!!! At napakagaling umarte. Dapat nanalo sya ng best child actress dito. Touching ang mga scenes nya. Sa totoo lang, sya lang ang child actress na nagustuhan ko ever in the new millenium. Ang unique pa ng pangalan!

In general, magaling ang supporting cast. Kung sino man ang nag-cast nito, bravo!

All in all, napakaganda ng movie na ito. Ilang beses ko na itong inuulit-ulit eh. Mas lalo nyo itong mafee-feel kung papanoorin nyo ito sa Pasko Season.

My verdict? I think alam nyo na. I give this film 5 Utots.


Tuesday, July 04, 2006

Home Along Da Riber


Home Along da Riber (2002) Film/Movie Review

Directed by: Eric Quizon
Written by: Ben Feleo

Genre: Comedy / Drama / Musical

CAST: Dolphy .... Upoy
Jolina Magdangal .... Melody
Zsa Zsa Padilla .... Sandra
Vandolph .... Mark Anthony
Eddie Gutierrez
Long Mejia
James Blanco
Palito
Boy2 Quizon
Jeffrey Quizon

Oh, kumusta na kayo dear fans? Ako'y nagpapaumanhin dahil matagal na akong hindi nagpo-post ng mga rebyu. Hindi po ako ang may kasalanan kundi ang blogspot. Bakit kanyo? Aba, eh ilang araw ng nagloloko, ambagal pang mag-load. Alam nyo naman ako, hindi ako pasyente (patient). Naiinis ako pag mabagal mag-load.

Kawawa ka naman Ano (Nymus), ilang araw ng nag-uumalsa ang sandata mo. Siguro suki ka ni Ka Pepeng pilay jan sa may divisoria ano? Siguro ikaw ang unang-unang pumapakyaw ng Abante nya tsaka Tiktik (meron pa ba nito?). 'Tol, magpasubsribe ka na lang para hindi masyadong obvious na manyak ka, he, he, he...

PLOT: Home Along Da Riber is the story of Upoy who was incarcerated for 15 years for a crime he didn't commit. When he tasted freedom, and went back to his family, everything has changed. His kids didn't know him, and his wife is about to get married to a rich man.

Pers op ol, ang unang-unang nabigyan ko ng pansin dito eh ang mukha ni Jolina. Bakit ganun ang fez nya? Mukhang tinadyakan ng kabayong mola? Hindi ako nagbibiro. Medyo concave ang mukha nya. Mukha naman syang tao, pero meron syang appeal na pag nakita mo mukha nya, eh gusto mong takpan mga mata mo.

Okay naman ang pelikulang ito, meron syang mga funny moments na original talaga at sobrang nakakatawa. Siyempre, si tito Dolphy ba naman eh. More specifically, gustung-gusto ko rito yung scene na tumakas sya sa kulungan, tapos naki-hitch sya sa isang delivery truck, tapos yun pala, papunta rin yung truck dun sa bilibid na tinakasan nya. Funny rin dito yung scene na naghahanap sila ng matitirhan, tapos yung landlord nila ey may kapansanan. Hindi ko na lang sasabihin sa inyo kung ano, pero I'm sure yung mga manyak na katulad ni Ano eh mage-gets agad.

Siempre, may mga dramatic moments din. Ganun ang pelikula ni Tito Dolphy eh, halo-halo. Meron silang formula talaga. Kaya lang, hello??? Sana tanggalin na nila yung mga musical numbers. Ang corny!!! Seriously, sa totoong buhay ba kumakanta ka sa public place? Hinde!!!

Isa pa, naiinis ako kay Vandolph. Ewan ko ba. Siguro effective lang ang portrayal nya as a mayabang at asshole na teenager, kasi talaga namang asar na asar ako sa pagmumukha nya.

Pero grabe, ang mga extra dito, panay anak or apo ni Dolhphy! Oh, my gawd!!! PAg binasa na nyo ang cast sa ending ng film, ay day, puro Quizon!!! Ang hirap sigurong mag-arrange ng family reunion nitong mga ito ano? Aba eh, siguro sa Araneta Coliseum sila dapat mag-party.

All in all, pambata ang pelikula (aside from the dirty/green jokes), kasi hindi masyadong tinalakay ang mga bagay-bagay (e.g., ang pagbabalikan ni Dolphy at Zsa, at ang naudlot na kasal ni Zsa with Eddie).

My verdict? 4 Utots. Although corny ang movie, it balances out kasi talaga namang yung ibang jokes sobrang nakakatawa.


This page is powered by Blogger. Isn't yours?