Monday, May 29, 2006

Pangako Ikaw Lang


Pangako Ikaw Lang (2001) Film/Movie Review
Directed byJoyce E. Bernal
Genre: Romance / Drama


CAST:

Aga Muhlach .... Vince
Regine Velasquez .... Cristina
Bobby Andrews
Robert Arevalo
Charlie Davao
Bojo Molina
Dencio Padilla
Evangeline Pascual
Sherilyn Reyes
Trinity M. Stiles .... Dita
Rufa-Mae Quinto

Takamuts na kayo dear fans? Sana kayo's hindi naman masyadong nainitan. Dito sa isla kinatitirikan ng kubo namin ay napakainit last weekend. Halos naka-underwear na lang mga tao. Malas mo nga lang kung ang mga kapitbahay mo eh mga mukhang bakulaw or infected with the balbonic plague.

PLOT: Aga is a playboy in this movie. While chit-chatting with a girl, he has a car accident and has to be admitted to a hospital, in a coma.

Regine happens to be in that same hospital because her dad is being treated for cancer. She saw the dashing Aga in coma and so she talks to him sometimes ala "while you were sleeping."

When Aga wakes up from his coma, he has to make a decision, to marry his longtime-girlfriend so he can right his wrongs, or continue his relationship with Regine whom by the way he falls inlove with unexpectedly.

Isa lang naman ang reason kung bakit ko binili ang movie na ito - Rufa Mae Quinto. Kaso, sa unang part lang ng film sya nandun. Extra lang sya. Pero worth it na rin kasi ang funny-funny ng bit nya, ang sexy sexy pa nya rito.

Hindi ko naman masyadong naapreciate ang story, kasi naman, ilang Aga Muhlach movies na ang napanood ko, pero iisa ang common theme: Aga is supposed to be married tapos maiinlove sya sa iba, tapos hindi matutuloy ang kasal. I promise you, gasgad na gasgas na itong story na ito. Sige, ayaw nyong maniwala? Magre-review pa ako ng ibang Aga Muhlach na movies at makikita nyo ang theme na ito.

Ang nagustuhan ko dito sa movie na ito eh si Robert Arevalo. Ang galing nya sa role nya as Regine's dying father. Napaka-natural nya dito. he reminds me of my tatay tuloy, kaya naman namiss ko tuloy ang tatay ko.

Regines acting, hmmm... ok lang. Pero hindi ko type ang beauty nya. Hindi sya mukhang artistahin. Buti pa kumanta na lang sya. Tsaka bakit ganun ang mga clothes nya sa pelikula? Mukha ngang librarian! Sana pinasuot naman sya ng mga medyo "hip" at "trendy" na clothes.

In the story, Aga courts Regine while he's engaged to be married. Ito namang tangang si Regine eh she let herself fall for this guy. Hindi ko gusto ang part na ito, kasi parang doormat ang character nya. Na maski kinakawawa na sya ni Aga after their "first major kiss" sa film eh hindi man lang sya nagalit or hindi man lang nya ni-confront si Aga about his "other" relationship and such. O di ba? Doormat.

Si Aga naman, ngayon ko lang napansin, boses-kiki pala sya ano? On the plus side, gusto ko syang magdala ng damit ha? Ang ganda nyang magdala ng baggy pants.

Asar ako sa character ni Aga near the end kasi namamangka sya sa dalawang ilog. Hindi na sya naawa dun sa dalawang babae.

Hindi masyadong naantig ang damdamin ko sa pelikulang ito. Expected ko na kasi ang ending tsaka ang plot eh. Pero kung fan ka ni Aga or Regine eh di hiramin mo.

My rating? 3 Utots.


Wednesday, May 24, 2006

Crying Ladies


CRYING LADIES (2003) Film/Movie Review

Directed by:Mark Meily
Writen by:Mark Meily

Genre: Comedy / Drama (more)

CAST:

Sharon Cuneta .... Stella Mate
Hilda Koronel .... Rhoda "Aling Doray" Rivera
Angel Aquino .... Choleng
Eric Quizon .... Wilson Chua
Julio Pacheco .... Bong
Ricky Davao .... Guido
Shamaine Centenera .... Cecile
Johnny Delgado .... Priest
Sherry Lara .... Mrs. Chua
Raymond Bagatsing .... Ipe
Bella Flores .... Lost Lady
Edgar Mortiz .... Mang Gusting
Bearwin Meily .... Male Game Show Host
Winnie Cordero .... Female Game Show Host
Gilleth Sandico .... Becky

PLOT: Crying Ladies is a story of three women who have their own story to tell. They are bounded by their "crying at funerals" profession. Each has their own struggles and challenges in life that they have to face.

First of all, Kudos to Mark! This is one of the BEST FILMS IN THE HISTORY OF PHILIPPINE CINEMA! Opo, walang biro po. Wala akong maipipintas dito sa pelikulang ito. Dahil maski sa kaliit-liitang detalye eh perfecto.

So bale ang main character dito eh si Ate Shawee. Kalalabas pa lang nya sa kulungan. Separated sya from Ricky. May isa silang anak (ay ang cute ni Julio!). Ate Shawee always has a hard time spending her time with her son kasi ipinagdadamot ni Ricky sa kanya ang bata.

Ang masasabi ko lang, grabe, nakakaiyak yung mga scenes ni Ate Shawee when she is kinakawawa ni Ricky. Meron scene dito na umattend si Ate Shawee ng graduation ni Bong, tapos nung tinawag yung bata, aakyat sana sya sa stage pero naunahan sya ni Ricky at ng current jowa nito. Tapos, nung aalis na sila Ricky with the kid, nakatanaw lang si Ate Shawee sa kanila. Wala, nakatayo lang sya doon, pero talagang makabagbag damdamin. Dito ako unang naiyak nung pinanood ko yung movie. Lam nyo, jan nyo talaga malalaman kung sino ang magaling umarte. Hindi naman kelangan mag-OA para maiparating ang emotions di ba? May mag eksenang, wala namang dialog ang character pero naipararating nito ang emotions. Ate Shawee's style of acting reminds me of British actors. Yun bang lahat ng acting eh very subtle lang, pero feel na feel mo ang dating.

Hindi mo maide-deny na ang napakagandang chemistry with the 3 ladies. Comfy na comfy sila when they are together on screen. Napaka-natural. Aakalain mo talagang matagal na silang magkakaibigan. Kung sino man ang casting director nito, I bow to you.

Napakaganda rin ng story. Yung 3 characters may mga pagkakamali at pagkukulang sila sa buhay at tatalakayin yun sa movie. Pinakita kung gaano kahirap nilang ino-overcome ang mga challenges.

Gustung-gusto ko rin the way they showed some of the Chinese cultures here. Very subtle ang dating pero talagang maaa-preciate mo ang Chinese culture (hindi katulad ng Mano Po na talagang sinusubsob sa mukha mo yung tema). Andami ko ngang natutunan eh!
The script is great! May mga comedy scenes talaga dito na talagang mapapaihi ka sa tawa. Yung nagtatae ka eh, I recommend that you take diatabs before watching this movie (baka madumihan ang sofa nyo!).

The quality of the film is very good. VCD lang ang meron ako pero parang DVD quality na. Imagine na lang kung DVD ang meron ako, di ba?
Heto ang highlights ng movie:

1. The great acting by all
2. The drama scenes of Ate Shawee
3. The comedy scenes between the 3 ladies
4. The showcasing of Chinese culture
5. The amazing chemistry between the cast

Very inspirational ang movie. Ipinakita dito na ilang beses ng nare-reject si Ate Shawee, at ilang beses na rin syang kumagat sa tukso, pero in the end, she overcame the adversities.
Eric Quizon did a marvelous job as a supporting character. Magaling pala syang artista. Hindi nya kinailangang mag-OA (alam nyo na, meron mga lalaking artista na walang ginawa kundi isigaw ang dialogs nila. Hint: Richard Gomez, Hero Angeles) para maiparating ang damdamin. Very natural sya.

Ang masasabi ko lang, this movie is one of the greatest movies ever made. Hindi ako nangingiming ulit-ulitin syang panoorin, ganyan sya kaganda. Everything is perfect. Hindi ko alam kung naka-grand slam ito as best picture when it was released, pero it deserved to be.

This movie is destined to be one of the best classics with a capital "C". I give it 5 Utots and more.


Tuesday, May 23, 2006

Mourning Girls

Mourning Girls (2006) Genre: Comedy / Drama
Directed by Gil Portes


CAST:

Ricky Davao
Glydel Mercado
Chin Chin Gutierrez
Assunta de Rossi
Juliana Palermo
Cogie Domingo
Dexter Doria
Ken Punzalan
Christine Reyes
Janna Victoria

PLOT: Mourning Girls is the story of a group of women who mourn for one man. Bale, namatay si Ricky dito, tapos in narration, kinikwento nya kung paano nya na-meet ang mga babae sa buhay nya.

Pers op ol, nung una kong makita yung first scene (nakikipag-kantutan si Ricky with his maid), tapos inatake sya sa puso. Tapos na-stuck yung maid sa malaki nyang sandata (ayyy, ano ba yan?), kaya hanggang hospital eh nakakabit yung maid kay Ricky. Wow, promising ang movie di ba? Kasi mukhang funny.

Eh ang kaso mo after that, hindi na ako masyadong nag-enjoy. The cinematography was pathetic. Feeling ko nanonood ako ng pelikula noong 70s kasi ganun ang quality ng film. Malabo. The sound was oh-gawd-awful. Sino ba ang hunghang na nag-handle ng sound nito? You can hear all the hiss and background noise. It's unacceptable. Tsk, tsk, magkano ba ang budget nito?
Sayang, medyo maganda sana ang lines ng mga artista. Yung ibang hirit nila, talaga namang nakakatawa. Sayang na sayang, this could've been a good comedy film. Sorry, direk, hindi ko gusto ang pagkakadirek mo ng film na ito.

Chin-chin's acting was too OA. Hindi ko ma-take. The only saving-grace of this film is Assunta de Rossi's funny entrances and punch-lines. Ang cute-cute nyang magpatawa. Tapos they showed yung ilang pelikulang ginawa nya as an actress in the movie: "Kangkangan sa Kangkungan," "Nagbabagang Talong," "Inay, Luto na ang Sinaing." Napatawa ako ha?

When you see the ending, mapapatanga ka na lang "What the fuck?" Parang out of place sa flow ng story. It's hurried and it doesn't make much sense. Tapos hinaluan pa na may kakambal pala si Ricky. Out of place ang storyline. Ewan ko ba kung bakit isinama pa ito.

When I finished watching this, nanghinayang talaga ako. May potential sana ang movie. Medyo maganda ang script, at ok naman si Assunta.

I don't think this film deserves to be a finalist in the recent FAMAS awards. But who is? So far ang mga FAMAS finalist movies na napanood ko suck!

I give this film 1 Utot.


Friday, May 19, 2006

Enteng Kabisote 2


Enteng Kabisote 2: Okay ka fairy ko... The legend continues (2005)
Directed by: Tony Y. Reyes
Genre: Comedy / Fantasy / Action / Adventure


CAST: Vic Sotto .... Enteng
Kristine Hermosa .... Faye
Alice Dixson .... Ina Magenta
Oyo Boy Sotto .... Benok
Bing Loyzaga .... Satana
Aiza Seguerra .... Aiza
Bayani Casimiro III .... Prinsipe K
Joey de Leon .... Pangay Pokpok
Toni Rose Gayda .... Ina Azul
Leila Kuzma
Era Madrigal
Jose Manalo .... Jose
Melanie Marquez .... Ina
Verde Victor Neri .... Drago
Jeffrey Quizon .... Romero
Marianne Rivera
Ruby Rodriguez .... Amy

PLOT: The same as Enteng Kabisote: Okay ka fairy, the legend. Binuhay ang mga kalaban eh. So the same villains, the same plot. The only difference with this one is si Alice Dixson na ang Ina. Tapos may bago silang dinagdag na anak.

Well, since same ang storyline ng 2 movies anyway, why bother reviewing this one? This sequel is worse than the first one. Grabe, hindi man lang sila nag-isip ng bagong villains.

I give this film 1 Utot.

Enteng Kabisote 1



Enteng Kabisote: Okay ka fairy ko, the legend (2004)
Directed by: Tony Y. Reyes
Genre: Comedy / Fantasy / Action / Adventure


CAST:

Vic Sotto .... Enteng Kabisote
Kristine Hermosa .... Faye
Michael V. .... Itim
Giselle Toengi .... Ina Magenta
Oyo Boy Sotto .... Benok
Aiza Seguerra .... Aiza
Bing Loyzaga .... Satana
Jeffrey Quizon .... Romero
Ruby Rodriguez .... Amy
Jose Manalo .... Jose
January Isaac .... Malikmata
Dick Israel .... Ulo
Nadine Samonte .... Tanni/Tanya
Bayani Casimiro III .... Prinsipe K
Paolo Ballesteros .... Fantastikman
Wally Bayola
Joey de Leon .... Mulawit
Allan K. .... Marinara
Leila Kuzma
immy Santos .... Bernardo de Carpio
Anjo Yllana .... Pandoy

PLOT: EK is a your typical story regarding good versus evil. So bale, ang good dito eh yung mga enkantada, at ang bad eh yung mga kampon ni Bing. Gustong masakop ni Bing ang enkantasya so to do that, she kidnapped Kristine para ipa-ransom kay G. Siempre, tumulong si Enteng. Isinama nya si Oyo Boy sa kanyang adventures and so the story goes.

Hindi ako nag-enjoy sa movie. First of all, ang bata ni Kristine para i-pair up kay Vic. Yuck! Parang mag-ama lang sila. Tapos pag magkatabi sila ni Oyo, para silang mag-jowa. Double - yuck!

Nakakaasar ang characters ni Vic and ni Oyo. Male chauvinistic pigs ang characters nila. Napakasexist. Tsaka feeling-gwapo si Oyo, biro mo, may kissing booth sya and people pay money for that? Ow come on. Hindi nga? MAski ako bayaran mo hindi ko iki-kiss yun eh!
Tapos si Aiza, dati, one of the main characters sya and she's the reason why the tv show was a hit, pero dito sa movie, ini-chepwera sya. Her role is nothing more than an extra. Nakakinsulto di ba? Bakit ganun? Bakit, si Oyo lang ba ang may karapatan na sumama kay Vic sa mga adventures? Is it because the way she dresses is not your typical girl? Yun nga dapat ang advantage nya di ba? Kaya dapat kasama sya sa pakikipaglaban.


Yung costumes naman ni Vic and Oyo, parang hind man lang pinag-isipan. It's pathetic. The special effects, I give it a 1 out of 10.

Si Kristine, josko. Hindi marunong umarte. Magmodel na lang sya ano? Para pumasa yung "tuod - facial expression" nya.

Ang nagustuhan ko lang dito eh the way the story fits with the Ina Magenta character. Yun nga si G Toengie na ang Ina ngayon.

Tapos yung ibang production design, ok naman. Like yung Ice kweba. Maganda ang pagkakagawa.

On the plus side, kung 3 - 10 year old ka, baka mag-enjoy ka sa movie. Pero kung adult ka na, eh mag-isip isip ka muna bago mo rentahin o bilhin ito. I give this film 2 Utot.

Kahit Wala Ka Na


Kahit wala ka na (1989)

Directed by:Emmanuel H. Borlaza
Written by: Jose Javier Reyes
Genre: Drama


CAST:

Sharon Cuneta
Richard Gomez
Tonton Gutierrez
Cherie Gil
Mila del Sol
Chanda Romero
Tommy Abuel
Tita Muñoz
Joonee Gamboa
Mia Gutierrez
Rina Reyes S
ymon Soler

K's Klassic Movie of The Week

Oh my Gawd, ilang days pala akong hindi nakapag-post. Sorry dear fans, miss na miss nyo na ako ano? Kayo rin, miss na miss ko na!

PLOT: KWKN is story about a separated woman and the challenges she encounters when she faces the real world alone with her son.

Oh, baka sabihin nyo, "ay ang ordinary naman ng story." Pero wag ka, in simplicity, there is beauty. Maraming makakarelate dito. Mga diborsyado, mga inaaping asawa at girlfriend. You'll find this drama inspirational.

So bale, si Ate Shawee, nahuli nya si Richard na nakikipaglampungan kay Cherie, sa mismong kama pa nila! Putang-inang Richard yan! Kung ako si Ate Shawee binihusan ko na ng kumukulong langis yang hayup na yan eh!

Anywho, so lumayas si Ate Shawee at dinala si Simon (anak nya dito). Lammo, nakakaawa si Ate Shwee dito, kasi pumunta nga sya sa magulang nya, pero imbes na suportahan sya ng parents nya eh pinipilit syang pabalikin kay Richard at parating sinasabi "ang babae talaga dapat magtiis!" Di ba nakaaawa? So umalis sya para itaguyod ang kanilang sarili.

Tapos narito yung mga paghihirap nya:

1. Tumira sa fangit na apartment

2. Wala ng yaya ang anak nya (nakaaawa dito yung scene na nagsa-say goodbye yung yaya kay Simon. Minsan, nakakahanga talaga ang mga extra eh).

3. Hirap na hirap syang kumuha ng trabaho dahil hindi sya nakatapos mag-aral

4. Kelangan nilang mag-ulit ng ulam sa buong araw

Tapos siempre, nung nakakuha na sya ng trabaho, kelangan pa rin nyang i-face ang mga challenges sa workplace. Siempre, pag separated ka, may mga misconceptions anga mga tao sayo di ba?

1. Easy girl ka

2. Sexual harassment sa workplace

3. Target ng mga sugar daddies

On the bright side, heto naman ang mga moral lessons na matutunan mo:

1. Things happen for a reason

2. Sa isang relasyon, hindi mo kelangan magtiis at masaktan na lamang parati. Kelangan mahal mo ang sarili mo para magkaroon ka ng lakas ng loob kung one day kelangan mo ng tapusin ang relasyon

3. Kung separated/divorced ka na, dapat hindi ka ma-guilty kung gusto mong maghanap ng ibang tao para magmahal sayo

4. Kung may tyaga, may nilaga

5. Kung babae ka, hindi mo kelangan ng lalaki para mag-succeed sa buhay

6. Kung ang lalaki ay nagtataksil, bwiset sya, magtaksil ka rin and don't feel bad about it.

The movie as a whole is a great watch. Natatawa ako kasi 80s na 80s ang dating. Naka-spike hair si Ate Shawee. Tapos ang mga babae nakasuot ng long-sleeves na one piece bestida na may malaking belt. Tapos may malaking shoulder padding pa. Napapahagikgik tuloy ako.

Magagaling ang mga artista dito. Si Tonton, uhmmm, medyo kulang sya sa pag-emote. Si Richard naman, over na over ang pag-emote, and I don't like him. Buong movie parating nakasigaw, unless hearing impaired sya, dapat hind sya sumisigaw. Magaling siempre si Ate Shawee dito, peborit ko sya eh.

I rate this movie 4.5 Utots. It's a must-see, lalong-lalo na sa mga babaeng nasa relationships at kelangan nila ng inpiration para mahalin ang sarili nila.


Monday, May 15, 2006

Aishite Imasu Film/Movie Review



Aishite imasu (Mahal kita) 1941 (2004)


CAST:

Judy Ann Santos .... Inya
Raymart Santiago .... Edilberto
Jay Manalo .... Ichiru
Dennis Trillo .... Ignacio
Marco Alcaraz
Angelu De Leon .... Maura
Jacklyn Jose .... Tiyang Mabel
Yasmien Kurdi
Domingo Landicho
Anita Linda
Tony Mabesa .... The Mayor
T.J. Trinidad .... Anton
Iya Villania .... Julia

HALLELUJAH! Sa wakas, meron din akong nagustuhan na pelikula with Joel Lamangan directing. Ok, ok... marami akong nababasa na magaling na director itong si Joel, pero wag ka, wala pa akong nagugustuhan na pelikula directed by him. That all changed of course with Aishite imasu.


PLOT: The story takes place in 1941, the era where Japan occupied the Philippines. Siempre, there's chaos, war, tears, but amidst of it all, there's also love. True love for a lover, and love for the country.

Bale, dalawa ang love story dito. Yung una, the love between Juday and Raymart. It's written in the stars na sila na talaga ang magkakatuluyan. Paglaki nga nila eh nagpakasal sila. Eh ito palang si Dennis, bata pa man sila eh may gusto na kay Raymart. Nung magbuo ng guerilla group itong si Raymart eh humingi siya ng tulong kay Dennis para mag-spy ang the latter. Noong una, ayaw ni Dennis, pero pumayag din dahil mahal nya si Raymart.

The second love story is between Dennis and Jay. Jay is an authority of the Japanese military. Nakita nya si Dennis na kumakanta sa plaza, who during that time is dressed in baro't saya. Nafall-inlove ang kumag kay Dennis, and the guerilla group sees this opportunity para makapag-spy sa Japanese squad.

Ang una mong mapapansin sa movie eh the great acting done by all. Maski sa pinakaliit-liitang papel, like yung mga extra, kudos sa acting. Magaling silang lahat. Siempre, ang pinakamagaling dito eh si Dennis. He did justice to the role as a mahinhing binabae. Maski yung mga pagluha - luha nya, maaantig talaga ang damdamin mo.

The cinematography was great also. Magaling ang mga shots at malinaw ang film.

The production design was above par compared to other Pinoy movies. Pati mga kotse noong unang panahon eh pinakita dito, which means ginastusan nila talaga ang movie. Eh ang hirap yatang makakuha ng vintage cars ano?

The settings was great. Feeling mo nasa baryo ka talaga noong unang panahon. The plaza, the schools, the houses... I wonder, saan kaya nila ni-shot itong film. It was a very good choice of setting.

Actually, I was really waiting for the part where Jay and Dennis kissed, kasi marami akong nababasa dito. Noong makita ko sya, I was very disappointed. Kasi naman halatang hindi comfy ang two characters tsaka mukhang camera trick lang. Ang sakin lang eh, KUNG MAGTA-TAKE KAYO NG RISK TO MAKE A FILM ABOUT TWO MEN INLOVE, EH LUBUS-LUBUSAN NYO NA. Hindi yung andami pang arte. Sayang kasi, I don't think that another film like this will be made in the very near future.

Pero siempre, ang pinakamagandang message imparted by the film eh, LOVE TRANSVERSES ALL BOUNDARIES. When one is inlove, it doesn't matter what's the gender, the nationality, the political beliefs, etc. Gustung-gusto ko ang character ni Jay dito, kasi, noon pa man, he knew that Dennis was a guy in drag, he knew that Dennis is a spy, pero after all of that, talagang mahal na mahal sya si Dennis, up to the point na hinuli na rin si Jay ng mga ka-comrade nya.

I love this film. In order for you to enjoy this film you have to watch it:

1. With an open mind
2. Without judgement and prejudice

Kasi kung homophobic ka, sinocentric at sarado ang utak mo, please lang, do us all a favour and do not watch this film, dahil hindi mo ito maeenjoy.

Kudos to Joel and Regal Films! Ay, talaga namang himala dahil for once, Regal films did an incredible job.

I give this film 5 Utots. I highly recommend that you watch this film, dahil marami kang matutunan about love.



Friday, May 12, 2006

Pakisabi Na Lang Mahal Ko Siya


CAST:


Judy Ann Santos .... Geraldine
Cogie Domingo .... Gonzo
Alessandra de Rossi .... Icee
K.C. Montero .... Joel
Joel Toree
Cherry-Pie Picache
Eric Quizon

Oh alam ko na ang sasabihin nyo. Naubusan na naman ako ng moolah kaya luma ang nerebyu ko. Hindi naman sa ganun. Nag-shopping kasi ako ng shampoo sa pinoy store, anak ng pating ang mahal!!! Lammo nya ba ang ang isang bote na 200 ml na pinoy shampoo dito eh $6??? Biro mo? Magkano ba yan sa pesos? More or less 300 pesos di ba? Eh andami mo ng mabibili sa ganung halaga sa pinas. Pede ka ng kumain ng buong araw sa labas nun eh, may kasama pang sine!

Anywho, back to my reason, so ayun nga, dinamihan ko na ang binili kong shampoo, kasi pag may $25 or more yata eh may free na old pinoy movie. Oh eh di sige.

PLOT: Pakisabi na lang is a story of a boy student who has a crush on his teacher (Juday). So si Cogie nga yun. Eh itong si Cogie napakapilyo. Tipong Bart Simpson ba, in a sense na parati syang may kalokohan ginagawa sa school para lang makaiwas sa class o sa tests. Kebigan nya si Alessandra, na may secret crush pala sa kanya.

Sa school, meron PE teacher, si KC nga. Gusto ni KC si Juday, eh siempre hindi papayagan ni Cogie yun. So ipinagkalat nya na bading si KC.

In the end, naging good student si Cogie. Nagkatuluyan si Juday at KC.

First of all, ang masasabi ko lang, may balat ba sa pwet si Juday? Kasi tuwing makakapanood ako ng pelikula nya na sya ang biggest star, parating panget ang film editing. Film editing e para bang utot na irregular ang sounds at smell. Minsan rock, minsan jazz, minsan may sabaw, minsan silent killer. In a sense na nagju-jump ang scenes, and they don't make sense most of the time. Wala ba yung good flow ng story. Minsan magugulat ka kasi maiisip mo, "teka, saan nanggaling itong story line na ito?"

Tsaka yung story line na may problema si Juday sa family nya, na parati syang pinaghihigpitan, biro mo, isang madramang scene at dialogue lang ang pinakita nya sa parents nya, tapos solved na ang problema? Like hindi na sya paghihigpitan pang muli? Excuze me, hindi ganyan ang real life no? A family problem takes a while to be solved.

Si Alessandra, I like her acting. Pelengkera - style acting, with a touch of pagkabading. O di ba? Galingan pa nya, at baka magkaroon na sya ng starring role in a comedy film, "Ang baklang palengkera."

Si K.C. Montero, isang tanong lang naman ang gusto kong may sumagot, pano ba ito naging artista? Bakit kanyo:

1. Hindi sya gwapo. Para syang 'merkano na nakikita mo lang sa pang-araw-araw na buhay mo.

2. Walang dating, walang pizzaz. May pizzaz ba sa kanya ang isang lata ng pepsi.

3. Eeeekkk. Bakit ganun ang katawan at legs nya? Hindi maganda ang posture nya, and he has chicken legs. Payo ko lang sa kanya, I hope he has a business degree or something. Buti pang magtayo na lang sya ng business, coz he's not an actor in the making.

Yung storyline na nagkiss si Alessandra at Cogie, na may na-feel silang passion sa isa't - isa, hindi na tinalakay sa movie after that. Bitin na bitin ako. Hello? Kung hindi naman pala idi-discuss sa movie yun, which I think is a very important subject, sana ni-cut na lang ni from the film. Ayokong-ayokong nabibitin no?

Tsaka yung scene na nagkakarera na ang mga students, hellooo? Nag-uumbagan na yung racers, hindi pa nidi-disqualify yung mga mandaraya? Anong message nyan? Na ang mandaya is an acceptable way of winning?

On the plus side... (teka lang, nagiisip ako ng malalim). Ayun, on the plus side... (teka, wala pa akong maisip). Ayun, on the plus side, free ang movie na ito!

My rating for this movie? 1 Utot. Bigyan natin ng konting kredit yung mga batikang artista (Joel, Cherry-Pie, Eric) na ni-black mail siguro to make this crappy movie.


Thursday, May 11, 2006

Bcuz Of You Film/Movie Review

CAST:

Diether Ocampo .... RJ
Kristine Hermosa .... Ria
Heart Evangelista .... Cara
Geoffrey Eigenmann .... Roni
Hero Angeles .... Louie
Sandara Park .... April
Nikki Valdez
Desiree Del Valle
Ilonah Jean
Luis Alandy
Gerald Madrid
Aiza Marquez
Pen Medina
Susan Africa
Yayo Aguila

PLOT: This movie has 3 episodes revolving around the red uwang (beetle).
Yung unang episode, showed that the nerdy Diether and Kristine are preparing for their wedding. Kala ko nung una, in the 70s ang settings pero present day pala. Nerdy lang talaga ang tsura ni Diet. Tapos nung wedding day na, hindi sumipot si Kristine. Tapos we see Diether crying inside the volkswagen uwang.

After that, medyo malilito ka, kasi biglang sumulpot na yung 2nd episode. Yun nga si Heart tsaka si GEoff. Si Heart ang nag-dri-drive nung red uwang. Nagmeet sila. Tapos eto pala si Geoff eh pabling dati. Tuwing date nila ni Heart, andaming babaeng lumalapit, tapos neetchapuwera na si Heart. Grabe! Ang corny. Ang dialogue ba naman nila eh "if you'd just give me a chance." tapos isasagot naman "ok, I'll give you a chance. please don't break my heart." Hindi ko alam yung exact dialogue pero something to that effect ang sinabi nila. Seriously, sa panahon ba ngayon ganyan magsalita ang mga teenagers? Usually ganito na ngayon "Yoh girl, you wanna hook up?" tapos isasagot naman "Whatever."

Tapos si Geoff, nyek! Hindi marunong umarte. Gaawwwd!!! It's such a shame na ang mag artista ngayon nagiging artista lang because of their parents. Eh wala naman talent itong guy na ito. Oo nga, may tsura sya (hindi sya gwapo, pero cute). Pero my god, sana man lang nag acting workshop man lang sya. Pwede ba, mag-model na lang sya ng siopao or something, kasi ganun ang korte ng mukha nya, mukhang siopao!

Yung 3rd episode naman, si Hero tsaka si Sandara. Sandara works for Hero as a tour guide, dancer etc. Kasi pala nung umuwi sa Pinas si Sandara to find her mom, hindi sumipot, tapos nakulong sya, tapos tinubos ni Hero. Ngayon, pinagbabayaran nya kay Hero yung utang. Tapos itong si Hero eh breadwinner ng lahat ng kapatid nya, parati silang hingi ng hingi ng pera sa kanya.

May magandang dialogue sya dito eh. Something to that effect na "Mabuti pa ang kotse walang hinihinging kapalit." Pagud na pagod na syang sa pag-asa ng mga pamilya nya sa kanya.
In the end, nipagbili nya yung kotse to buy Sandara the tickets to go back to Korea.
Actually, for me, this is the best episodes out of the three. Baket?

1. Pokwang. I love Pokwang. Nakakatuwa syang magpatawa. Sya ay isang babaeng bakla.

2. Maraming makakarelate sa character ni Hero. He's the son who's supporting his siblings, and he's getting exhausted. Wala na syang time para sa sarili nya.

What I didn't like:

1. Bakit ganun ang story parati nila Hero and Sandara? Bakit parating masungit si Hero. Bakit parati silang nag-aaway?

2. Tita, hindi ko maintindihan ang dialogue ni Sandara.

The last episode is a continuation of the 1st episode. Nakakalito ba?

Di ba si Kristine iniwan sa altar si Diet? Aba, after a few years, model na si Diether. AS in hindi na sya nerd. Tapos ito naman si Kristine ang hahabol-habol. Siempre in the end, nagkabalikan silat at nagpakasal.

Hindi ko masyadong gusto ang story. I thought it very weak. Baket?

1. Ang kapal ni Kristine ha? Komo't nerd si Diet dati hindi nya pinakasalan? Tapos ngayong macho gwapito na sya eh hinahabol-habol nya?

It would've better kung tinalakay sa film kung bakit iniwan ni Kristine si Diether sa altar, kasi up to know, I'm confused. I find Kristine's character shallow and sa physicality lang ng tao ang gusto.

2. Andito na naman yung common theme na may maaksidente sa kotse. Hay naku day, ganyan ba sa Pinas? Andami namang naaaksidente sa kotse.

3. Yuckkk! Nandun na naman si Luis Alandy? At preho pa sila ng haircut ni Diether ha? Anong akala ni Luis? Magiging gwapo sya kung gayahin nya si Diether? Kadire! Puhleeze! Pede bang mag-retire na sya from showbiz?

Although hindi masyadong maganda ang mga stories, hindi naman up to the point na gusto ko ng maghuramentado. Watchable pa rin sya. Medyo disappointed ako this time sa Star Cinema, pero all in all, it's still better than most of Regal film's movies. I give this film 2 Utots.

Tuesday, May 09, 2006

Inagaw Mo ang Lahat Sa Akin

K's Classic Movie of the Week

CAST:

Maricel Soriano .... Jacinta
Snooky Serna .... Clarita
Armida Siguion-Reyna .... Almeda
Robert Arevalo .... Arcadio
Tirso Cruz III
Eric Quizon

PLOT: Maricel and Snooky are sisters (prehong promdi yung dalawa). Snooky is the favorite. Siempre, inggit na inggit si Maricel. Umalis si Snooky sa probinsya to make a life of her own. Bumalik sya one day para ayusin ang away nilang magkapatid. In doing so, maraming mababahong sikreto ang lumabas.

Ang masasabi ko lang sa pelikulang ito, pagkatapos kong panoorin, eh uminom ako ng maraming Prozac, dahil sobrang depressing at disturbing ang pelikulang ito. I mean, hindi naman sya imposibleng mangyari sa totoong buhay. Pero naapektuhan ako masyado at ayoko ng panoorin ang movie na ito. No thank you.

Anywho, si Maricel kasi, since noon pa, inggit na inggit kay Snooky. Kasi paborito sya ng tatay nila. Tapos yung gusto nyang lalaki, kay Snooky may gusto. In the end, naaksidenteng napatay ni Maricel yung tatay nila. Tapos lumabas ang totoo, Snooky pala since bata pa eh parating ni-ra-rape ng tatay nya. Tapos ito namang si Maricel, gusto eh siya yung binigbigyang attention up to the point na gusto nyang magpa-rape or something sa tatay nila. O diba? Pretty disturbing.
Seriously, kung bata kayong katulad ko (ahem, he, he, he...), you'll feel disturbed and depressed. I dunno. The issue about incest and rape just don't sit well with me. Pag napag-uusapan ang ganitong topic eh nasusuka ako. I just can't take it.

Pero kung matanda naman kayo (As in senior citizen), eh baka magandahan kayo sa pelikula. I dunno. Nagustuhan ito ng nanay ko eh. Siguro kung matapang ka, kaya mo itong panoorin.
The cinematography is good. The acting of Maricel is a bit over-acted. Oo na, kawawa ka na, now stop bothering me. Oo na, basang sisiw ka na. Oo na, walang nagmamahal sayo.

My verdict? 2 Utots. Kung super-paborit mo si Maricel at si Snooky panoorin mo. Kung gusto mong manood ng super-drama panoorin mo. Pero kung may ibang choice ka, I don't recommend this. Masyadong disturbing at depressing. Teka lang at naduduwal ako (bwak!).


Monday, May 08, 2006

DREAMBOY Film/Movie Review


CAST:

Piolo Pascual .... Jaime/Philip/Eboy
Bea Alonzo .... Cyd
Nova Villa
Camille Prats
Roden Araneta
Jackie Castillejos
Julia Clarete .... Mabel
A.J. Dee
Lui Manansala
Mico Palanca

WARNING: PLEASE DO NOT READ ANY OTHER MOVIE REVIEWS ABOUT THIS FILM, COZ IT MIGHT SPOIL THE FILM FOR YOU. Opo, huwag po, huwag po. Dahil THIS IS THE FUCKING BEST ROMANTIC-COMEDY EVER MADE IN THE HISTORY OF PHILIPPINE CINEMA!!!


Yes, dear readers. I am not ashamed to say it. Dreamboy is my most favorite romantic-comedy of all time (so far). PUTANG-INA! Ang galing ng lahat ng gumawa nito. The actors, director, writers, staff. THIS IS THE PERFECT MOVIE!

Lammo nya ba na ito lang ang movie na pinanood ko ng more than once in succedding days? Ganyan kaganda ang pelikulang ito. KUDOS to Gilbert Perez. I salute you Mr. Direk! He's so good, hahalikan ko maski pwet nya.

PLOT: Bea is a loner who looks dreams of the true love. Parati syang nagbabasa ng mga romance novels in hope na mangyari din sa kanya ang fairy tale romance. In doing so, she meets the 3 characters of Papa Piolo. Sino pipiliin nya?

Ang masasabi ko lang, this film has a lot of twist and turns and the ending will surprise the living hell out of you. GRABE! The story has a touch of modernity na angkop na angkop sa one of the famous pop-cultures of our times. Hindi ako magbabanggit dahil kelangan masurprise kayo para mas ma-appreciate nyo ang movie.

Heto ang highlights ng movie. Hindi ko na lang sasabihin ang buong story dahil gusto kong maranasan nyo ang paglundag ng sarili nyong puso sa panonood nito:

1. As usual, the great acting of Mr. Piolo Pascual. Hayyy... Ang cute-cute nya dito, lalo na nung character ni Mr. Eboy - the adventuriuos. Makalaglag-salawal talaga

2. The very-natural acting of Ms. Bea Alonzo. Sa totoo lang, matagal na akong curious dito kay Bea. I always see her faces on endorsements and the like, pero hindi ko sya kilala. Ngayon nakita ko na sya, she's my favorite young actress right now. Lovable sya at hindi nakakaasar ang pag-arte katulad ng iba jan (hint: Jennylyn Mercado). I love Bea. Bagay na bagay sa kanya ang role.

3. Great story and great writing. Take my word for it, very original ang story nito. Hayy salamat. Now I can proudly say na hindi lahat ng pinoy movies eh copied lang from foreign films.

4. Great directing. Ang galing mo direk! Pwede bang gawin mo akong apprentice? May hint of "Murder She Wrote" ang pagkakadirek nito. Bakit kanyo? You have see the movie for yourself.
Dahil sa ganda nito, nagtayo ako ng shelf at nilagay ko ang DVD doon. Kulang na lang na sambahin ko eh.

Sorry dear readers, dahil I'm so excited about this movie. Words fail me. ANG GANDA-GANDA!!!

Wag nyo ng hiramin from the video store ito. Bilhin nyo na agad! Dahil kung wala ito sa collection nyo, eh itapon na yang collection na iyan. You have to have this DVD. This is a Pinoy movie that you can be proud of. Maski hindi pinoy mag-eenjoy dito.

I have nothing bad to say about this movie coz it's PERFECT! I give this movie 5 Utots and more! I LOVE DREAMBOY! Kung pwede lang pakasalan yung movie eh!


Friday, May 05, 2006

Don't Give Up On Us

CAST:

Judy Ann Santos .... Abby
Piolo Pascual .... Vince
Tommy Abuel
Marco Alcaraz
Marjorie Barretto
J.C. Cuadrado
Cheska Diaz
Chesca Garcia
Hilda Koronel
Rio Locsin
John Wayne Sace

PLOT: Juday is a very ambitious career girl. Ay naku mare, kung boss mo sya, baka parating feeling kang maje-jebs sa pagka-slave drive nya. She's trying to save her brother's wedding. In doing so, she arrives in Baguio and meets the dashing Papa Piolo, ala-Brad Pitt in Legends of the Fall.

Ang una kong masasabi sa pelikulang ito eh, AAAYYY, makalaglag-salawal talaga si Papa Piolo! Josko, day, ang ganda ng boses nya! Magaling pang maggitara!

Anywho, In this story, Juday's bro is getting married to her best friend. Kaya lang, during the bachelorette party, tumakas ang bruhang bride-to-be. Hindi nila alam kung saan pumunta. Sa pagtakas ng bruha, naiwan nya ang purse. eh siempre, hinalungkat ni Juday (pakialamera sya ha?). Dun nya nakita ang cassette tape ni Papa Piolo. When they listened to it, may spoken words na niaaya yung babae na sumama sa kanya.

Punta ngayon si Juday sa Baguio para hanapin the guy and siempre, the girl. Na-meet nya si Papa Piolo by accident. Tapos, in the beginning, kala nya si Papa Piolo yung guy, pero hindi pala. So Piolo, helped her find the girl.

Eh itong si Piolo, napakasimpleng to. Mabagal ang buhay nya sa BAguio. Wala syang masyadong pera, pero masaya sya. Dun natutunan ni Juday na mag-enjoy sa buhay. hindi parating go-go-go. Nagkaroon sya ng chance na ma-enjoy ang kanyang kapaligiran (ang ganda ng baguio ha?) Natutunan nya na mas importante ang pamilya kesa sa pera.

Nung magkalablaban (fell inlove) na sla, obviously, from two different worlds sila. Now they could've been impulsive at itinuloy ang relationship, pero hindi. Naghiwalay muna sila for a couple of years. Nag-compormise sila to meet a common ground. Tinanggap ni Papa Piolo ang offer ng Star Records. Siempre, sumikat sya at nagkaroon ng pera. Pero maski ganun sya, down to earth pa rin sya.

Ang nagustuhan ko dito sa movie na ito ay ang d'following moral lessons. Sana matutunan ito ng mga taong sobrang workaholic at mga kabataang bulag sa pag-ibig:

1. Stop and smell the sampaguitas (siempre, para lokal, kesa sa "roses" di ba?)
2. Simple life, simple pleasures, happy people
3. Love is not enuff to make the relationship work.

I-prepare nyo ang sarili nyo sa mga tear-jerker scenes. Eh, pagsamahin ba naman ang drama king and queen, eh babaha talaga ng luha. Grabe, talagang naubos yung isang rolyo ng toilet paper ko, sa pagpunas ng luha ko.

Ang mga love-scenes dito ni Papa Piolo at Juday, napaka-realistic (o magaling lang talaga sa kama si Papa Piolo? Ayyy, I would like to experience it for myself! Paging Piolo Pascual...) Halatang komportable sila sa isa't-isa.

Magaling si Joyce Bernal sa pagkakadirek ng pelikula. I like the fact na pinakita nyang native Baguio boy si Piolo. There are some scenes na nakayapak lang sya. Tapos nagsasalita sya ng Baguio dialect na kala mo talagang yun ang first language nya. Bow talaga ako kay Mr. Piolo Pascual, when he's on screen hindi mo malalaman na he's acting. He's sooooo natural. He's my favorite actor in the whole history of Philippine cinema. Kaya lang, medyo pangit ang wig/hair extensions na ginamit for him. Sana medyo brownish at flowing ang hair na ginamit. Yun bang super lambot na kelangan nyang parating hawiin sa mukha nya ang hair. Ay, ang sexy sana tingnan yun. Pero Josko, grabe ang sexy ni Piolo dito. Naka white body-hugging t-shirt sya parati at nakaboots. Tapos minsan, naka-leather jacket. Grabe, machong-macho sya.

Ang mga highlights ng movie:

1. Song Numbers ni Papa Piolo
2. Drama scenes of the Drama King and Queen
3. Love scenes

My rating? 4.5 Utots. Bakit hindi 5? Hindi ko masyadong gusto si Juday eh. Tsaka near the end, parang medyo bumagal ang pacing the pelikula. Pero, I highly recommend this movie. For the great acting alone, very worth it na. Now I understand why people are clamoring for the Piolo-Juday tandem. Tsaka hindi ko gusto si Marjorie Baretto. Bakit ganun ang fez nya? Mukhang manas. Tsaka hindi maganda built ng katawan nya. Hindi sya artistahin, ha?


Wednesday, May 03, 2006

Mano Po 4 Film/Movie Review




AKO LEGAL WIFE

CAST:

Zsa Zsa Padilla .... Chona Chong
Cherrie Pie Picache .... Patty
Rufa Mae Quinto .... Gloria
Jay Manalo .... Elton Chong
Pinky Amador
Mon Confiado
J.C. de Vera .... Nixon Chong
Ella Guevara .... Anthurium
Bianca King .... Trixia
Julianne Lee .... Hibiscus

John Prats .... Hamilton
Marissa Sanchez
Nova Villa

O, bakit kanyo pagkatapos ng tumataginting na 1 Utot na rebyu ko sa Mano Po 3 eh nanood na naman ako ng isa pang Mano po? Hello??? Eh nanjan kaya si Rufa Mae, the most byutipul and funniest comedienne. Kaya maski labag sa kalooban ko eh, pinanood ko pa rin ang Ako Legal Wife.

PLOT: In this Mano Po franchise, it again showed how Chinese men are highly regarded and Chinese women are not. Pabling po si Jay, pero ina-aallow lang ng clan ang pagka-pabling nya dahil lalaki nga sya. Ok lang na pagtaksilan ang mga babae kasi they're not as important as the men. Eh kasi, Zsa-zsa found out about it. So she keeps on competing with Cherry Pie (the other woman), unbeknowgst to them na may isa pang babae si Jay, si my darling Rufa nga. Tapos add to the fact na Zsa-zsa's only son is bading.

On the contrary, this movie is not as bad as the preceding mano po. Funny sya. Zsa won a best actress for this. Para sakin, hmmm... maybe, pero siempre I can't say kung magaling nga sya dito kasi hindi ko naman napanood yung ibang contender. As usual, asar ako sa accent kasi hindi talaga Chinese accent. Tapos yung pananagalog ni Zsa, nawawala yung Chinese accent at times. Halatang-halata. Medyo over-acting din sya dito.

Ni-mention din dito ng katiting ang pagkampi ni Cherry Pie at ni Zsa sa isa't-isa para matalo si my darling Rufa. Kaya lang, it would've been funnier kung ni-explore pa deeply itong sentiment na ito, kasi parang bitin. Isang beses lang silang gumanti tapos balik-away na naman sila.

Ini-explore din dito ang culture na arranged marriage, which is good. Interesting kasi sakin ang topic na ito.

Dito ko unang nasilayan si Bianca King. Aba, may tsura pala ang batang ito. Ala-Nelly Furtado ang byuti nya ha? She's the girl who's arranged to be married to John, who's bading.

At the wedding, hindi ko masyadong naintindihan ang nangyari. Basta ang alam ko kinidnap si Bianca nung half-bro ni John, tapos hinabol sila ni Jay, which lead to his accident. Unrealistic no? I mean really, bakit mo kikidnapin yung babae tapos ipapaalam mo na ikaw ang kumidnap? I don't get it. Siempre, nandito yung common theme na car accident. Sana maiba naman. Madami pa namang ibang accidental deaths jan no? Heart attack, tetano, nabagok ang ulo, kinagat ng aso... maski ano, basta wag lang car accident. Lumang-luma na ang style eh.

Although pagod na akong manood ng tema na "lalaki-good, babae-no good", medyo nag-enjoy naman ako ng konti dito sa movie na ito. Ok naman ang acting nilang lahat. Si Zsa lang, medyo over. I wish mas madaming screen time si Rufa dito. Parang extra lang sya eh. It would've been funnier sana.

My rating? 3 Utots.


Tuesday, May 02, 2006

Mano Po 3 Film/Movie Review


Mano po III: My love (2004)


CAST:

Vilma Santos .... Lilia Chiong Yang
Christopher De Leon .... Michael Lim
Jay Manalo .... Paul Yang
Boots Anson-Roa
Carlo Aquino
Amy Austria
Sheryl Cruz
Eddie Garcia
Jean Garcia
Patrick Garcia
Karylle
Angel Locsin
Angelica Panganiban
Allan Paule
Cherrie Pie Picache
John Prats
Dennis Trillo
Gardo Versoza

Come back movie ito ni Ate Vi. Alam nyo naman ang lola nyo, sort-of-vilmanian. Hindi naman ako fan na fan ni Ate Vi, pero I like her in some films, lalo na dun sa Darna at Dyesebel films nya.

PLOT: Mano Po 3 is the story of a Ate Vi's gone but not forgotten love that came back to haunt her. May pamilya na sya and stuff, pero itong si Kuya Boyet (Christpher) eh bumalik ba naman para i-claim ang love of his life.

Ang story eh, Ate Vi is a very succesfully Chinese woman. Financially, personally at politically. Batikang hulidap ang character nya dito (whatever that means). Kaso mo, yung isa sa mga napakulong nya eh gustong maghiganti.

Anywho, si Jay Manalo na asawa ni Ate Vi ngayon, eh best friend nila ni Kuya Boyet nung high-school, during the Marshall Days. Ang nangyari, nung isang araw na hinahabol sila ng mga parak, nag-sacrifice ang young Kuya Boyet para makatakas sila Ate Vi at Jay. Tapos nung tumira na sa Tate si Kuya Boyet (para makatakas kay Marcos) eh sumulat sya kay Ate Vi pero ang kaso mo, itinatago pala ni Jay ang mga sulat dahil gusto nya si Ate Vi for himself.

Ang masasabi ko lang sa pelikulang ito eh, mabuti na lang at hindi ako Chinese, dahil kung Chinese ako eh baka lumabas ang galing ko sa kung-fu para pagtatadyakan ang mga tauhan dito. Bakit kanyo:

1. Oh my Gawd! Seriously, kung gagawa sila ng Chinese film, sana naman the production company asked them to take a few months of Mandarin language course. Ako ha, hindi ako marunong mag-Chinese, pero halatang-halata na hindi Chinese native ang mga characters. Pero anong magagawa natin? Notorious ang Pinoy sa pagtitipid kaya siguro hindi na ito pinansin. Kung yung mga foreign films, they study with a linguist for 6 months or more para believable ang characters, pero dito sa film na ito, I didn't see any effort in that.

2. Si Jay Manalo kasing-idad ni Ate Vi? Ows? Pwede ba, wag nilang paglolokohin ang audience.

3. Wala na ba silang alam ipakitang culture ng Chinese kundi ang malaking pagpapahalaga sa mga lalaki at pagbabalewala sa mga babae? Eh hindi naman Chinese culture alone yan. It's a more generalized belief system.

Ewan ko, medyo naguluhan ako ng konti sa story.

There are also some scenes in the movie na unrealistic ang reactions ng characters.

Ang nagustuhan ko lang dito eh yung ending (although hindi ako agree). Pero hindi ko sasabihin sa inyo kasi I don't wanna ruin the movie for you.

Ang rating ko dito? 1 Utot, just because namiss ko si Ate Vi at gusto ko yung ending.


Monday, May 01, 2006

Happy Labor Day!

Happy Labor Day sa inyong lahat! Sana ay okay naman ang mga panganganak ninyo sa
araw nitong araw ng mga buntis.


Wala muna akong review ngayon kasi nagmamadali ako eh. May favour naman ako from my fans/readers/stalkers ;o) Alam nyo naman ang lola nyo, marunong lang akong mamintas ng pelikula pero wala akong alam sa paggawa ng websites. Kung titingnan nyo ang side bar nitong blog, dati nasa taas ito pero ngayon, nasa baba na. Hindi ko nga alam kung anong nangyari. Parang nagkaroon ng separate page yung sidebar. Alam nyo ba kung pano i-fix ito? Ang mag-bigay ng solution na mag-work, may premyong kiss, he, he, he...

O yun lang muna! Happy buntis day sa inyong lahat!

This page is powered by Blogger. Isn't yours?