Friday, April 28, 2006

May Pag-Ibig Pa Kaya?


CAST:


Judy Ann Santos .... Emily
Luis Alandy .... Alberto
Vhong Navarro .... Lester
Matet De Leon .... Tere
Gladys Reyes .... Pilar
Pinky Amador
Jeffrey Santos

Oh, oh, alam ko na ang sasabihin nyo. Bakit may napasingit na medyo lumang movie dito? Kasi naman nung pumunta ako sa Pinoy store last time, naubusan ako ng moolah. Enough na lang ang peya ko para makabili ng 2 bags ng tuyo (dried fish). Yun kasi ang ulam namin, breakfast at dinner (oo, hindi na kami naglu-lunch, sayang pa ang peya). So naisip ko, makainom na lang ng maraming tubig at isang balot na isda na lang ang bibilhin ko, tapos yung matirang pera, ipanghihiram ko na lang ng DVD. Kaso mo, hindi pang "new release" ang pera ko, pang-luma lang. So heto, pero sosyal ako no? I will call this review:

FILM/MOVIE REWIND:

PLOT: While in college, Juday has a crush on Luis. Kaya lang Luis is a jerk na no pansin si Juday. Nung mag-join pa sila ng debate team, minura mula ulo hanggang paa si Juday. Nung nag-work na sila, coincidence na naging mag-opismeyts sila. Near the end nagkalablaban (fell inlove) yung 2, kaso mo itong bwiset na si Luis, jowa pala si Matet na VPP (Vest Prends Poreber) ni Juday. Tapos nung huli, dinaya pa sa trabaho ni Luis si Juday. May Love pa kaya si Juday kay Luis after ng mga kagaguhan ng lalaking ito?

Ang masasabi ko lang sa story nito, kung sinuman yung writer, eh magpa-rehabilitate na sya kasi mukhang bangag sya ng isulat nya ito. Nung mga unang moments ng film, mukhang promising, esp. yung mga hirit ni Vhong. Pero nung medyo dumami na ang scenes ni Matet at ng mag-progress na ang pelikula, mukhang nagsimula ng mag-take ma-high ang writer nito or director. The movie doesn't make sense anymore! Yung scene ni Matet na lulundag ng building, out of place.

Palundag-lundag ang some scenes at hindi mo maintindihan kumbakit nagkaganun. Porn ba ito at mukhang masyadong maraming cuts o talagang sira-ulo lang ang film editor nito.
Si Matet, kelangan nya ng acting lessons. Hindo komo't si Nora ang nanay nya eh mamamana na nya ang talent ni Ate Guy ha? Tsaka bakit ganun ang ulo ni Matet? AN LAKI! Parang syang yung mga bobble-head dolls. Bakit di na lang ganun ang business nya? Mag-sell sya ng action figure Matet bobble-head dolls.

BAkit ganun ang mukha ni Gladys? Parang may beke (mumps)? Hindi proportion ang mukha nya no? Dapat magpa-face reduction surgery sya. Sa totoo lang, hindi ko ma-take tingnan kanyang fez.

Si Luis, yukkkk! Kadiri! Naririndi ako sa pagmumukha nya. Wala syang appeal. Pero may natatago syang talento. Kaya nyang sirain ang araw mo with just one glance on his face. No wonder wala na sya sa circulation ngayon. Buti pa magtinda na lang sya ng balut at penoy.
Pero ang PINAKA-AYAW ko rito ay ang message nito sa mga kababaihan. Ito ang moral lesson ng story:

Pag ang lalaki ay:

1. Binabastos at minumura ka parati
2. Hindi iginagalang ang pagkababae mo
3. Naglalayag sa 2 ilog
4. Niloko ka at dinaya ka sa trabaho
5. Self-centered at sarili lang nya ang iniisip

After all that, mahalin mo pa rin, dahil kokonti ang lalaki sa mundo. NOT!!! Oh my Gawd, I can't believe someone would write a movie like this and impart this message to the womanhood. Masyadong gino-glorify ang mga lalaki dito. Hindi ako man-hater ha? Pero come on, kung yung character ni Luis ang magiging boyfriend mo, sa una pa lang, tuhurin mo na sa itlog at humanap ka na lang ng iba. Kala ko nga si Vhong ang magiging bf ni Juday dito eh. That would make more sense, kasi mabait at kwela ang character nya dito.

To make the story short, Vhong is the only saving grace of this film, pero the first 10 minutes lang sya lumabas eh. Panoorin mo na lang yung mga parts nya kung hindi ka na talaga mapigilan.

Ang rating ko sa movie na ito? 0.5 Utots. Sana binili ko na lang ng daing (dried fish) pera ko, nabusog pa ako!


Thursday, April 27, 2006

Shake, Rattle and Roll 2k5


CAST:


Ai-Ai de las Alas

Ogie Alcasid
Gloria Romero
Ara Mina
Rainier Castillo
Yasmien Kurdi
Mark Anthony Fernandez
Tanya Garcia
Marco Alcaraz

As usual, excited din akong panoorin itong isang ito. Kasi with my faintest memories, alam ko maganda yung SRR 1 eh. Pero ng mapanood ko ang isang ito, oh my God, gusto kong ilibing ng buhay ang lahat ng involved sa pelikulang ito. Massacre kumbaga, dahil this could be the worst movie of 2005. Pano ito nakasama sa FAMAS? Ano ba ang mga judges jan sa FAMAS at pinasali nila ito? Ganyan na ba kababa ang tingin nila sa mga manonood? O baka naman hindi Philippine FAMAS ang dapat nasalihan nito, baka naman sa UR-ANUS FAMAS dapat ipapalabas ito. Dahil 5 minutes pa lang sa film eh gusto mo ng tumae.

Episode 1: POSO

I-describe ko lang ng konti story ha? Kasi baka magmura lang ako ng magmura.

PLOT: Ai-ai and company has a fake psychic business that contacts the dead kuno. Gloria asked for her help so she can talk to her dead grandson. There's a haunted poso in Gloria's house. One by one, it killed Ai-ai's friends. In the end, the ghost that haunted the poso killed Gloria dahil nipatay pala ni Gloria yung apo nya.

Questions ko lang:

1. Kung si Gloria nga pumatay dun sa apo nya, bakit gusto pa nyang kausapin? Hindi ba nya alam na it could implicate her? May alzheimer yata character ni Gloria dito or ubod lang talaga or boba.

2. Bakit pinapatay ng multo ang mga tao dun? Eh based from the film, mabait naman yung apo. Di ba dapat humingi na lang sya ng tulong para mabigyan sya ng justice?

3. Yung isa pa nyang apo na buhay pa pero aping-api, aba eh talamak talaga ang katangahan sa pamilyang ito dahil nakita na nyang i-murder kapatid nya, pero hindi pa rin sya umalis. Sadomasochist ka ba, iho?

4. Tang-ina. I can't believe Ai-ai agredd to do something like this. Ang laki pa naman ng respeto ko sayo Tita Ai-ai. Ngayon, maliit na lang.

Episode 2: Aquarium

PLOT:
Ara and family moved to a new house with a haunted aquarium. The ghost within the aquarium was killed by her father, so she kills everybody else.


Ah, teka, parang familiar yung story. Walangya, eh story din ito nung POSO. Instead na poso eh aquarium. Plagiarism yan, pare.

Pero sa totoo lang ha, buong movie napatulala ako sa cleavage ni Ara. wow, laki ng boobs nya at talaga namang ang plunging neckline eh hanggang pusod.


EPISODE 3: Ang Lihim ng San Joaquin

PLOT:
Mark and wife moved to a new province which they didn't know was infested with aswangs.

Ah hello? Eh mas luma pa kay Tandang Sora ang plot na yan eh. Hanggang ilang SRR ba ang gagawin nila na may ganitong tema? Tsaka would you believe it? Sa dami ng aswang eh napatay sila lahat ni Mark. Aba, hindi ko alam na may super-powers pala itong si Mark. Sya si Captain Manhid. Dahil eveyrhing points na bad talaga ang place na iyon pero talagang ayaw pa ring umalis. Hahayaan talaga nyang mamatay sila ng maybahay nya. Or maybe Captain Gago? Captain Tanga? Super Loser?

Comment ko lang, sana naman Mark, nagpa-buff ka muna bago mo ginawa itong pelikula. Mukhang losyong (lalaking losyang) na losyong ka na eh.

Tsaka bakit ganun ang mga aswang? Mukhang nagtampisaw lang sila sa putik? Naubusan na naman ba ng budget dahil maski disenteng aswang costume eh wala silang maipasuot. Ah, the genuises of Regal Films. Talaga nga naman.

Oh my Gawd, that's two hours of my life that I'm never gonna get back. Sana nilabhan ko na lang maruruming underwears ko.

Payo ko lang sa inyo, kung ayaw nyong makalbo sa galit, wag nyong panoorin itong movie na ito. Pero kung makulit pa rin kayo, WATCH IT AT YOUR OWN RISK, TANGA. My rating: 0 Utot.


Wednesday, April 26, 2006

I Will Always Love You Film/Movie Review

CAST:

Richard Gutierrez .... Justin
Angel Locsin .... Cecille
Louie Alejandro
Amy Austria
James Blanco
Karen delos Reyes
Jean Garcia
Bianca King
Era Madrigal
Bearwin Meily


Aba, Richard Gutierrez film na naman? O, baka sabihin nyo na fan ako ni Richard ha? Well, nagwagwapuhan ako sa kanya pero hindi nya ako fan.

I Will Always Love You (IWALY) is a typical love story between a rich boy and a poor girl, buttt... with a twist. Oo nga at tipikal na tema ang pelikula, pero may konting kamodernuhan naman.


Richard is a rich, spoiled kid dito sa pelikula. Actually, believable ang acting nya as such. Mukhang may praktis sa totoong buhay ah, he, he, he... Nagustuhan nya si Angel na mahirap lang at maysakit sa puso.


Nung una, mayabang si Richard, pero nung mapaibig sya ni Angel, eh naging mabait, kaso mo, yung Nanay ni Richard, si Jean, eh mahadera at ayaw sa mahirap.

So ang ginawa ni Richard eh pumunta sya sa Amerika to study, isinama nya si Angel, unbeknowgst kay Jean. Since kala ni Angel eh may blessing ni Jean at tumutulong pa sa kanyang pag-aaral, eh kala nya okey na sya kay Mommy Mahadera. Gumawa pa ng pekeng email addy si Richard na kunwari eh from Mommy Mahadera na sumusulat kay Angel.

Pero ang ok dito, dahil kay Angel, natutong magsumikap si Richard. Kumuha sya ng odd jobs, para masuportohan si Angel. Very touching ang mga scenes dito.

Kaso, one day, pumunta si Mommy Mahadera sa States kasama si Miss Gumising-Ka-Nga-Hindi-Ka-Mahal-Ni-Richard (Bianca King), at hindi ko na elaborate, pero siempre, nausyami ang love-affair ni Rich Boy at Poor Girl. Napauwi tuloy si Angel ng Pinas. Kawawa naman, nag-tricycle lang sya.

In the end, ikakasal na si Angel with someone, tapos umuwi si Richard para i-claim ang kanyang Angel. O, hindi ko na sasabihin ending ha? I'm sure mahuhulaan nyo naman.
Although imposibleng mangyari sa totoong buhay ang story, may maganda namang moral lessons ang movie:


1. Magsumikap ka
2. Pag love mo, ipaglaban mo
3. Walang kang maisi-sikreto kay Nanay, kaya ipagtapat mo na!

Touching din ang mga scenes dito ni Richard at Angel sa States. Nakakatuwa. Parang totoo.
I give this film 3 Utots.

Tuesday, April 25, 2006

MULAWIN Film/Movie Review




CAST:

Richard Gutierrez .... Aguiluz
Angel Locsin .... Alwina
Bianca King .... Aviona
Dennis Trillo .... Gabriel
Sunshine Dizon .... Pirena
Eddie Gutierrez .... Dakila

Lammo nyo ba na pinagkasave-save kong panoorin itong Mulawin kasi sikat na sikat yung tv series? Excited na excited ba naman ako, pero disappointed ako. I should've known, wag pagtiwalaan ang REGAL Films dahil hindi sila marunong gumawa ng pelikula.

Anywho, Mulawin is a typical war story between good and evil. The difference is mga taong ibon silang lahat. Richard and Angel were sent to the human world with their memories erased. Tapos when they use their "ugatpak" para maging ibon sila, eh bumalik memories nila, tapos yun na they save their world.

Naku, marami akong negative comments dito. Mataas kasi expectations ko eh:

1. Masyadong mabilis ang story. Kung hindi ko napanood yung tv series, wag mo na i-try intindihin, kasi maloloka ka lang

2. Kala ko ba ginastusan ng 70 million pesos ang special effects dito? Baka 70 pesos. Ang cheap ha? Kadiri ang special effects, halatang peke. Mas maganda ba ang special effects ni Darna (with Ate vi), considering na it was done more than 30 years ago.

3. Bakit ganoon ang mga bad guys? Napatay na tapos nabuhay na naman? Wala ba silang balak mag-imbento ng ibang bad characters or tamad lang sila mag-isip?

4. I dunno what it is, pero Richard is lacking something. I know he's trying hard to act well, pero hindi pa rin believable.

5. Ang cheap ng costume ni Richard. Naka-khaki pants tapos naka skate-board shoes? Ano ba yan? Kung sino man nag-isip ng costume nya, i-fire na!

6. Sa ka-cheapan ng costume, hindi ko ma-tell apart kung sino ang characters.

7. Halatang may ginayang ibang scenes dito sa Lord of the Rings. Hindi ko na lang sabihin dahil alam kong makikita nyo naman.

8. Bakit ganun? Si Richard namatay tapos binuhay nila. Kala ko ba ubos na ang lahing Mulawin, eh bakit hindi na lang nila binuhay yung ibang mga namatay. It doesn't make scene. May favoritism sila ha?

9. Halatang minadali ang lahat (scripts, costume, story etc.). Walang preparation ang paggawa ng pelikula.

Heto ang some of my few suggestions. Few lang, kasi pag sinabi ko lahat, baka sa pasko pa ako matapos.

1. Baguhin ang buong story at script

2. Mag-imbento ng ibang bad guys

3. Slow the story down. Sana ginawa na lang nilang prequel ang movie.

4. Pabilisin ang mga fight/action scenes. Kaya naman ng camera tricks eh, eh di gawin di ba? Para mas cool ang dating.

5. Gawing mas cool ang mga costumes.

6. Acting lessons for Richard.

7. Get a new production company. Kung Star Cinema ang gumawa nito, tyak na maganda.

8. Increase the movie budget. Maski 7 million pesos na lang, hindi 70 pesos.

Ang nagustuhan ko lang dito eh si Angel. Okey naman ang fight scenes nya. Ok din si Dingdong.

May rating for this movie: 1.5 Utots.


KUYA Film/Movie Review

CAST:

Aubrey Miles .... Chloe
Cogie Domingo .... Noy
Richard Gutierrez .... Ted
Oyo Boy Sotto .... Ferdi
Danilo Barrios .... KN
James Blanco .... Vincent
Railey Valeroso .... Ditto
Maxene Magalona .... Grace
Chynna Ortaleza .... Jill
Angel Locsin .... Barbs


Ayyy, ang tagal ko palang nawala! Pero wag kayong mag-alala dahil nag pinoy-movie marathon naman ang lola nyo. Josko, halos tatlo a day ang pinanood ko. Puyat na puyat na nga ako eh. Pero ok lang kasi para naman sa inyo dear readers.

KUYA is a story of the lives and loves of a group of friends. Actually, hindi ko alam kung bakit KUYA ang title nito, eh obvious naman na BAGETS 3 ang tema. Pero mas maganda naman ito kesa sa BAGETS 1 and 2.

Maraming makakarelate na teenagers dito. Nandito ang iba-ibang characters sa barkada. Nandun ang mahirap, mayaman, divorced families, sluts, working student at iba pa. Ang hindi ko lang gusto eh lahat ng guys eh tinatawag na KUYA kaya nalilito ako minsan kasi naiisip ko, teka, magkapatid ba sila or what? Tapos naaalala ko na ay, oo nga pala, KUYA nga pala ang tawagan nila.

Meron mamamatay dito sa huli, ang wish ko lang, sana si Oyo Boy na lang namatay. Hindi ko ma-take ang pagmumukha ng lalaking ito. Pano siya naging artista? Hindi naman gwapo, hindi maman marunong umarte. buti sana kung maski sex appeal ni Vic Sotto eh namana nya. Hinde! Mukhang ipinaglihi sya sa tumbong ni Vic Sotto eh. Ang dialogue nya puro "Tang-Ina." Hindi ko ma-take ha.

Isa pa itong si Chynna. Artista ba yan o chimay? Hindi sya beauty ha?

Anywho, mas maganda naman ang pelikulang ito kesa sa Bagets. For this, I give it 3 Utots.


Thursday, April 06, 2006

Buhay Pa Ako

Oh mga readers, wag kayong mag-alala. Buhay pa ako. Medyo busy lang tsaka medyo melodramatic ang utak ko lately. Mag-po-post ulit ako soon.

Kung gusto nyong malaman ang mga kadramahan ko sa buhay eh puntahan nyo ang blog na ito. Ito yung isa kong blog. Mas recent ang posts ko dito:

http://willowed.blogspot.com/

Yun lang at till next post. mwua!!!

This page is powered by Blogger. Isn't yours?