Tuesday, February 21, 2006

LOVESTRUCK Film Review



"Isa lang ang masasabi ko sa pelikulang ito, yuck!"

Napaka-unrealistic ng movie na ito. Ewan ko ba at bakit pinagchagaan ko itong panoorin. siguro talagang super-bored lang ako ng araw na iyon or something.


Based from the cast, siguro naman mahuhulaan nyo na ang story ng pelikulang ito. Love story ito ng isang grupo ng mga OA na teenagers as related to a "Dear Dr. Love" book. Oo, kumbaga parang si Jolina ang Dr. Love dito. She wrote a book about a love na patay na patay naman ang mga teenagers na sundin. Heto ang comments ko sa cast ng movie:

1. Jolina Magdangal - May kakaibang appeal si Jolina talaga. Kung lalaki ka ang tiningnan mo sya, mag-iisip ka, "Bakla ba ako?" dahil wala kang mararamdaman na maski katiting na libog dito kay Jolina. Kung babae ka naman, "Hay, salamat at naging babae ako." dahil hindi mo pag-iisapan ang sarili mo kung bakla ka.

2. Mark Herras - Bansot. Iisa ang expression ng mukha. Unrealistic ang story ng character nya dito. Hello? Teenager pa lang driver na? At bakit hindi sya nag-aaral?

3. Jennylyn Mercado - Wag kang mag-OA Jenny, dahil hindi naman bakla ang papel mo. One word - kelangan nya ng nose reduction surgery or baka naman sobrang close-up sa ilong ang mga shots nya. Unrealistic din ang character nya dahil teenager na hindi pumapasok sa school. Kundi nagmamanage na ng isang small shop. Seriously, mag-aral ka muna, iha.

4. Mike Tan - Isa lang ang masasabi ko, Robo-Mike. Oo, para syang robot kung umarte. Gwapo ka sana kaya lang hindi ka marunong umarte.

5. Yasmien Kurdi - She's a teenager living in an old woman's body. Manang.

6. Rainer Castillo - Bading nung una, tapos nahalikan lang ng babae hindi na naging bading? Pwede ba, mag-research muna ang writer ng pelikulang ito dahil imposible ang mga pangyayari.

7. Kirby de Jesus - Iho, magpapayat ka muna. Magpa-transplant ka na rin ng mukha dahil hindi pang-artista ang pagmumukha mo.

My rating? 1 Utot.


Friday, February 17, 2006

SIGAW Film Review


"Bakit ECHO? Di ba Sigaw in English is 'Scream?' Dapat 'Balingawngaw.'"


Grabe, antagal ko na palang hindi nagpo-post dito sa blog ko. Bwiset na winter kasi yan. Wala akong ginawa kundi mag-shovel ng snow araw-araw. Hindi biro ang mag-shovel ng snow ha?


Mag-shovel ay di biro/ Maghapong nakayuko/ Di naman makaupo/ Di naman makatuyo


Seriously, andaming snow this year. Halos hindi na nakikita ng mailman ang bahay namin sa dami ng snow. Yun kaya ang dahilan kung bakit parati kaming walang sulat?


Eniwi, SIGAW is a horror story (obvious ba?) that revolves around a haunted condominium. So bale, kalilipat pa lang ni Richard Gutierrez dito sa condo, tapos panay ang dinig nya ng mga sigawan sa gabi. Parati nyang nakikita yung abusive husband, the abused wife pati yung anak nila. Sa gabi, kumakatok yung babae sa pintuan nya at humihingi ng tulong.


I have to admit, Yam Laranas did a great job directing this film. Magaling ang switching sequences nya Richard's perspective tsaka yung scenes ng dysfunctional family. Hindi ko na lang sasabihin ang buong story ending coz it will spoil the movie for you.


I love this movie, pero may few questions lang ako:


1. Bakit sa Pinas, pag sinabing horror movie, kelangan ang scenes eh perpetual darkness?


2. Bakit walang masyadong ilaw sa condo unit ni Richard?

3. Gago ba si Richard at bumili sya ng delapidated condo unit na kapangit-pangit? eh di ba binata sya? Pano naman sya makaka-score nyan? Excuse me ha? Kahit gaano kagwapo si Richard, hindi ako makikipag-sex sa kanya sa kanyang condo. Yaikks!!! Andaming molds at germs! Dapat magbakuna ka muna ng mga anti-anti, kung hindi tyak na magkakasakit ka.


4. Bakit ang character ni Angel Locsin at Richard eh parang hindi nag-go-go sa school? Parang unrealistic di ba?


Heto ang mga suggestions ko para mas epektib ang movie:


1. Dapat may nude scenes si Richard. At least, maski naka-brief di ba? Mas maganda kung nagpakita sya ng pwet dito.


2. Have lighted scenes. Really. Sa Pinas lang ako nakakakita ng horror movie in perpetual darkness. Tumitigil ba ang pag-inog ng mundo pag katatakutan ang istorya? Bakit ang Feng-Shui? May umaga at gabing scenes pero epektib pa rin ang story. Jan mo talaga makikita ang creativity ng director.


3. Dapat may school scenes sila maski konti para mas realistic ang film.


4. Humanap sila ng mas creative na production designer.


5. Kumuha sila ng bagong Translator. Sigaw in English is Scream. Echo in Tagalog is balingawngaw.


Yun lang. I give this film 4 Utots. Kudos to Yam Laranas!


This page is powered by Blogger. Isn't yours?